Chapter One

938 30 4
                                    

Carol's POV

Grabe naman 'tong si Ara. Iniwan lang ba talaga niya ang groceries dito sa ilalim ng puno?! Aba't! Oo alam kong medyo abuso na kami pero, groceries? Iiwan lang dito?

Kinuha ko na lang ang mga ito at binitbit papasok sa loob ng dorm. And infairness, medyo mabigat rin pala 'tong pinamili ni Arabelles ha!


Pagpasok ko sa dorm lahat sila abala. Parang naghuhudle sila kaya nakisali rin ako sa ganap. Baka ma-OP eh. Mahirap na!


"AAAHHHHAAA!!!! KIM ANG SAKIIIIT!!!!" kung maka sigaw naman 'tong si Ara.

"Anyare?"Bulong ko kay Justine.

"Kinagat kasi si Ate Ara ng langgam." Sagot ni Justine pero syempre pabulong rin. Para naman kaming chismosa dito. Eh bakit Carol hindi ba?


"LANGGAM LANG PALA EH!" sigaw ko naman kasi ang sakit na sa eardrums ng acting netong baby bully namin eh.

"HOY CAROL! HINDI LANG TO LANGGAM!" sigaw naman ni Ara at may kasama pang pagtayo. Winner sa acting ang baby bully.

"EH ANO!?" Balik kong tanong.

"COLONY OF ANTS NGAAAAA!!!!" sigaw nilang lahat sa akin. Kagulat naman ang mga 'to. Nagtatanong lang eh.


"Oh chill lang! Para naman kayong HB! Lahat ba kayo meron?!"

"OO!" they all said in unison. Oh diba na pa English ako sa acting ng mga bruha! Choir ba 'to? Maling team na ba ang sinalihan ko? Sa pagkakaalam ko volleyball team ako nag try out eh at hindi sa choir. Nakakaloka!

******

Queen Archer's POV

"ARA!!! LAKASAN MO PA!"


"WALANG MAPAPATAY KUNG GANYAN ANG PALO MO ARA!"

Grrrrrhhh! Kanina ko pa ako pinag-iinitan ni coach ha! May kasalanan ba ako? Ang ganda naman ng performance ko last game ha?


Pansamantala muna akong tumigil sa pagpalo ng bola na sini-set ni Kim sa akin tsaka lumapit kay coach Ramil. "Coach ang pangit ba ng laro ko last game?"


Ngumiti na lang si coach sa akin kaya mas lalo akong naguluhan. Nagpatuloy na lang ako sa pagpractice. Diinan pala ha!

*Bogsh!*

"Ganyan Ara! Magaling!" masayang bati ni coach Ramil pagkatapos kong pumalo. Ganun pala ha!

Nagpatuloy lang kami sa laro namin. Lahat kami umiinit na a medyo na satisfy naman si coach Ramil kaya tinapos na niya yung training.


Nagshower na ang ibang spikers. Nagpahuli kaming mga bullies dahil nagchismisan pa kami. Gusto ko sanang tanungin si Mika about sa scene nila ni Jeron pero hindi ako makahanap ng tyempo. Puro kalokohan lang kasi ang alam ng mga 'to!


-_____-

"Bullies! Brown out ba sa loob ng gym?" tanong ni Camille. Lahat kami nagtaka kasi hindi naman eh. Ang liwanag-liwanag nga. "Ay hindi pala. Kaharap ko lang pala si Kim."


Lahat kami nagtawanan at syempre batukan pagkatapos. Nagshower na rin kami pagkatapos.

"Bullies! Gutom na ako!" pagmamakaawa ko sa mga bullies at medyo effective naman. Agad kaming nagligpit at lumabas na ng gym.

She's Dating The King ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon