CHAPTER FIFTEEN

623 20 0
                                    

King Archer's POV

"Oh Paps? Wala pa ba si Queen Archer?" tanong ni Gab.

"Bakit nakikita mo na ba si Ara?" balik na tanong ko sa kanya.

"Wala pa."

"Edi wala pa! Mag-isip ka nga Gabby Reyes!" -____-

Nandito kami ngayon ni Gabby sa LS Building. Nagtatago este-naghahanda. Naghahanda kami kasi may mahalagang tanong ako kay Ara ngayong araw. Tanong na maaring magbago sa buhay naming pareho. I have no choice kaya sana, sakyan 'to ni Ara. Wala pa naman sa plano 'to.

"Teng, yung mga spikers na hagilap na ng mga mata ko. Papunta na sila dito." Tarantang sabi ni kuya Almond. "Ano? Ready ka na?" tumango na lang ako. Ako kasi ready na, eh si Ara? Ready ba? "You can do that bro."

"Guys, play on!" sigaw ni Gab. Sign na 'yun na malapit na ang bullies.

*******

Queen Archer's POV

"Spikers, bilisan niyo naman ang paglalakad!" suway ko sa kanila. Ang kukupad kasi. -__-

"Kap naman. Hindi naman tayo minamadali ni coach Ramil eh. Easy lang"Sagot ni Kianna.

"Porket ba na hindi tayo minamadali, chill na lang tayo?"


"Sorry kapitan Ara." Sabi naman ni Kianna. "Oh spikers, bilisan daw natin. Bawal mag chill kapag nandito si Ara Galang!" sigaw pa ni Kianna.


"Pagpasensyahan mo na 'yang si Ara, Kianna. Meron yata eh." Si Cienne.


"Wow Cienne, nakakahiya sa'yo ha! Kung ako magsungit, once in a blue moon lang. Ikaw, araw-araw." Sabi ko kaya nabatukan ako netong libero namin.

"Eto naman. Binalik agad... Seryoso mo yata ngayon Arabella?"

"Ang babagal niyo kasi"

Lakad...

Lakad...


Lakad...

"Ate Ara, daan muna tayo sa LS pwede?" pagpapaalam ni Justine.

"Oo nga Baks, may kikitain lang ako dun." At sumali pa 'tong si Carolina.

"Kami rin!" sabay sabi nina Des at Eli. Yung totoo? Iisa lang ba yung kikitain niyo?

"Sige na nga pero sandali lang ha? Mahirap ng malate" sabi ko tsaka nauna akong lumiko papuntang LS.

"Aye aye kap!"

****

"Oh nasaan na yung kikitain niyo?" sabi ko ng makarating na kami sa tapat ng LS building.

"Teka lang, itetext ko na." sabi naman ni Justine at nilabas niya ang iphone niya.

Pumasok muna yung iba sa loob ng building kasi napapagod daw silang maglakad. Magpapahinga daw muna. Ako naman naiwan dito sa labas kasama si Mika at Kim.

"Tagal namam ng mga nun!" reklamo netong si Kim.

"Luh Kim, halos tatlong minute pa lang nga tayo nandito tapos naiinip ka na?" Sabi naman ni Mika.

"Wow Mika, bilang ha?" at nagbatukan na naman sila.

"Hindi ko binilang, tinansya ko lang."

******

Halos limang minuto na kaming stand by dito sa tapat ng LS. Yung iba busy sa phone, yung iba may kausap ding iba. SI kim at Mika, eto, nagbabangayan.

She's Dating The King ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon