Thomas' POV
Hindi ko maitindihan ang nangyayari dito sa dorm. Yung mga tao parang nagkabaliktad. Dati kasi si Jeron, hari kung hari dito sa dorm kahit dun pa sa mga seniors namin pero ngayon siya yung alipin. Simula pa 'to kahapon eh at tila ang saya ng mga archers maliban na lang kay Jeron.
Ang mas lalong hindi ko pa maintidihan is, pumapayag lang si Jeron sa lahat na mga inuutos sa kanya ng mga team mates namin knowing the he's not just the captain of the team but also he's the king archer. Something is very weird these days.
"Je, yung mga pinggan punasan mo tapos mong hugasan, okay?" utos ulit ni kuya Almond.
"Je, tuyo na ang comforter na nilabhan mo sa labas." Sabi naman ni Julian na kakapasok lang sa dorm.
"Teng, yung basurahan ha! Don't worry, last six days na lang naman eh. Kaya mo 'yan!" hindi ko alam kong maiinis ako sa utos ni kuya Robert or hindi, may kasamang encouragement eh.
Pinuntahan ko si Jeron na kasalukuyang nanghuhugas ng pinggan. Kumuha rin ako ng malinis na basahan para umpisahang punasan ang mga eto pero pinigilan ako ni Jeron. Loko 'to ha! Ba't ang saya pa niya tignan?
"Bakit ka nila inuutusan?" tanong ko.
"Kasi deal is a deal" sagot niya.
"Anong deal?"
"Actually bro, parang hindi naman siya deal eh. Parang hinamon lang."
"????"
"Okay, eto kasi yun"
King Archer's POV
"eto kasi yun..." sabi ko. Mapapakwento tuloy ako ng wala sa oras. -___-
FLASHBACK
"Saan ka nanggaling?" tanong ni kuya Almond. Kakapasok ko lang kasi sa dorm at eto, tanong agad ang
bumungad sa akin."Sa Pampangga kuya." Masigla kong sagot. Wala eh, masaya yung araw ko eh.
"Sino ang kasama mo?" si Kib naman ang nagtanong.
"Ara." Simple kong sagot habang hinuhubad ko ang sapatos ko.
"Aaaaaahhh" sabi nilang lahat at nagtinginan sa isa't-isa.
Aakyat na sana ako kaso bigla akong hinot seat netong team mates ko. "Anong ginawa niyo sa Pampangga?" tanong ni Gabby. "Wala ka na dun." Sagot ko naman. Tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni kuya Robert. "wait a minute mister Teng" sabi niya.
"King archer, kayo na ba ni Queen Archer?" deretsahang tanong ni kuya Almond.
"Not yet."
"Eh wala ka pala eh!"
"Oo nga. Si Ara lang pala ang katapat mo."
"Pssshh... Im not in a hurry naman eh."
"Not in a hurry daw. Yan din sinabi mo sa amin nung tinanong ka namin about kay Mika eh."
"Binusted ka ba ng mag bestfriend?" sabi ni Gab.
"What? Hindi noh kasi at the first place, hindi ko naman niligawan si Mika" pagsisinungaling ko. "And si Ara naman ang sabi niya--" nag-isip ako ng kunwari sinabi ni Ara. "Ang sabi niya, naghihintay lang daw siya ng perfect timing."
"Aaaaahhhh"
"Tsss... Hindi ka sasagutin ni Ara!" nagulat ako dito sa sinabi ni Prince.
"Bakit bro? Ikaw ba si Ara?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
She's Dating The King Archer
FanfictionWould two people that were not meant for each other, meant together? A Jeron Teng and Ara Galang Fan Fiction. Inspired by the story "she's dating the ganster" but with some twist and some change of plot.