Queen Archer's POV
"Kimmy please. Sana wag na lang kayo magalit kay Mika. Kasalanan ko naman eh. Naging mahina ako kaya pumayag ako sa deal ni Teng kaya eto yung naging resulta." Pagmamakaawa ko kay Kim. Nalaman na kasi ng mga bullies ang lahat except for Mika. Halos mag-iisang lingo na rin kaming hindi nagkikita after nung graduation. Umalis na rin kasi kami sa dorm dahil nga tapos na yung UAAP at hindi na rin kami nag-aaral sa La Salle.
"Pero kahit na! Kahit na pagpapanggap niyo lang ni Teng 'yun ang alam pa rin ni Mika, "kayo" kaya wala siyang karapatan para landiin si Teng." Sagot naman ni Kim.
"True baks! Tsaka sa amin dito si Mika ang may mas alam sa condition mo tapos siya pa ang mananakit sa'yo!" dagdag pa ni Cienne.
"Kaya nga tama na! Kasalanan ko naman lahat eh. Ako na lang ang lalayo." Sabi ko naman sa kanila. Halata sa pagmumukha nila na naaawa sila sa akin.
"Araaa... Ba't ka kasi nahulog?" tanong ni Camille sabay yakap sa akin.
"Hindi ko naman sinasadya eh."
"Pa-fall din naman kasi yang si Teng eh! Masyadong naging clingy kay Ara kaya ayan!" Carol.
"Basta please. 'wag lang magbago ang pagtingin niyo kay Mika kasi sila naman dapat eh."pagmamakaawa ko ulit.
"Walang sila dapat Vic. Noong araw na pinili ni Mika si Kiefer kaysa kay Jeron, nawalan na siya ng karapatan at siya din naman ang nagbigay sa'yo ng dahilan para mahalin si Jeron kaya wala kang kasalanan!" Camille.
"Sana man lang bago niya nilandi ang boyfriend mo, sana kinausap ka muna niya!"Cienne.
"Yun nga ang problema. Di ko boyfriend si Jeron."
"Pero mahal mo." Sabay-sabay nilang sinabi.
Oo mahal ko. Mahal na mahal ko yun at dahil nga mahal ko, papakawalan ko. Masaya na ako na nakikitang masaya sila ni Mika na best friend ko.
One week after...
Thomas POV
"Kim! Anyare kay Ara?" sigaw ko nang mahigalap ko ang bullies sa labas ng ICU. Maluha-luha din silang lumapit sa akin.
"Lumalala na nag kondisyon ni Ara, Thomas." Walang emosyong sagot ni Kim.
"Ha? Eh diba hika lang 'yun?" last time kasi na dinala ko siya sa Makati med ang sabi ng doctor sa akin simpleng hika lang daw ang nangyari kay Ara kaya di ako masyadong nag-alala.
"Hindi hika yun Thom." Singit ni Cienne.
"Nasan siya? Pwede ko ba siyang makausap?" tanong ko sa kanila pero yumuko lang ang mga ito. Lumapit ako sa pintuan ng ICU para silipin si Ara. May butas na glass lsng yung takip ng door ng ICU kaya madali kong nahanap si Ara. Nakahiga siya sa isang hospital bed. Walang malay at may nakakabit na iba't ibang mga apparatus.
"Anong sakit niya?" maiyak-iyak kong tanong ng maramdaman kong nasa likod ko si Kim at sakto namang lumabas ang doctor na kumausap rin sa akin ng isinugod ko si Ara sa hospital.
********
"Cardiac dysrhythmias. Yan ang ang sakit ni Ara. Ang cardiac dsyrhythmias ay isang uri ng sakit sa puso na kung saan may abnormalities ang heart rhythm ng isang pasyente. Bata pa lang si Ara meron na siyang sakit na ganito. Di nga lang nalaman ng maaga dahil nga sa napabayaan na si Ara dahil sa maagang namatay ang mama niya. Napabayaan na siya ng Papa niya kahit sakit neto hindi alam ni Tito."
"So you mean doc, hindi alam ng pamilya ni Ara ang sakit niya?" tanong ko at umiling lang siya. Nalaman ko rin na ninong pala ni Ara yung doctor.
"Doc, bakit nangyari na naman kay Ara 'to?" tanong ni Carol.
"Stress? Tsaka kayo na rin nagsabi na hindi na madalas lumalabas si Ara. Di na rin siya nakakapaglaro at sari-saring emosyon ang nararamdaman niya which is nakakasama sa lagay ni Ara."
"Doc, kailan po gigising si Vic?" tanong naman ni Kim.
"Hindi natin alam at walang nakakaalam." Tanging sagot ng doctor. Nagpaalam na rin siya para umalis.
"By the way Mr. Torres, please do take care of Ara's heart. She's so fragile to be broken."
"Yes doc."
*****
Short update readers :) kailangan lang talaga sa story.
BINABASA MO ANG
She's Dating The King Archer
FanfictionWould two people that were not meant for each other, meant together? A Jeron Teng and Ara Galang Fan Fiction. Inspired by the story "she's dating the ganster" but with some twist and some change of plot.