Daily Bread Day 3

105 1 0
                                    

" Sinabi ng Diyos ,'Magkaroon ng liwanag' At nagkaroon nga.
[Genesis 1:3]

Hindi lamang ang Kanyang presensiya ang handang ipagkaloob sa atin ng Diyos sa pagharap sa bagong simula kundi ang kapangyarihan ng Kanyang salita. Makapangyarihan ang salita ng Diyos.

May mga naniniwala sa "mantra" o "magic word" na kapag binigkas mo ang salitang iyon ay lalakas ka o maliligtas sa panganib. Sa mga tagasunod ni Jesus, walang mantra maliban sa Salita ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos ang ating magiging kalasag sa anumang masamang pwersa na magtatangkang gumupo sa atin.

Ang Salita ng Diyos ang ating kapangyarihan upang labanan ang kasinungalingan at kawalang katarungan.

Ang Salita ng Diyos ang ating kaaliwan sa panahon ng kalungkutan at kawalang pag asa.

Ang Salita ng Diyos ang ating open sesame na magbubukas ng pinto ng pagpapalang hindi natin kayang hilingin o isipin man.

Kayat lagi nating panghawakan ang pangako at Salita ng Diyos. May mahigit sa 2,500 promises ang Diyos na nasulat sa Biblia. Kailangan lang natin paniwalaan ang mga ito at angkining gagawin ng Diyos.

Prayer: Ang Salita mo Panginoon ang aming magiging gabay sa aming mga gagawing bagong pasimula. Amen


- - -

Mula sa librong "Unli Rice" ni Pastor Joey Umali.

Daily BreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon