Daily Bread Day 11

50 0 0
                                    

" Pagkatapos sinabi ng Diyos, "Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis." [Genesis 1:26]


Sapagkat tayoy nilikha ayon sa kanyang larawan, isinalin sa atin ng Diyos ang ilan sa kanyang mga katangian at kakayahan. Bagamat hindi tayo maaaring maging katulad na katulad ng Diyos, dapat tayong maging representasyon ng kabutihan at kabanalan Niya tulad ng:

- kakayahang mag isip ng mga malikhaing kaparaanan kung paano isasagawa ang isang bagay o matutupad ang isang layunin.

- kakayahang pagyamanin ang kaalaman at karunungan

- kakayahang gumawa ng mga conclusion, decisions at choices

- kakayahang kumilos ayon sa sariling plano at pag iisip

- kakayahang lumikha ng mga codes of conduct at magsagawa ng disiplina sa sarili.

Bilang mga nilikhang kawangis ng Diyos, responsibilidad natin ang makita sa atin ang kabutihan at kabanalan ng Diyos.


Ngunit nakakalungkot na marami sa pangarap ng tao ay hindi sumasalamin sa kabutihan at kabanalan ng Diyos. Madalas ang pinapangarap ng tao ay ang mga ungodly things.

Gusto natin instant. Instant fame. Instant money. To be powerful kahit may matapakang iba.

Pero diba mas masarap isipin na lahat ng nakamit mo ay dahil sa kasipagan at tyaga mo at dahil sa pananalig mo Kay Lord?



Prayer: Salamat sa mga katangian at kakayahang kaloob Mo. Naway masalamin sa amin ang kabutihan at kabanalan mo, O Diyos.

Daily BreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon