Daily Bread Day 2

138 3 0
                                    

" Ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig. "
[Genesis 1:2]

Kapag napakalaki ng isang Gawain ay hindi natin malaman kung paano ito sisimulan at tatapusin. Kapag nahaharap tayo sa bagong pasimula, tiyak na maraming hirap at pagsubok na hahamon sa ating katatagan.

Halimbawa ay kung paano ko sisimulan o tatapusin itong devotional. Maraming pagsubok ang pwede kong maencounter katulad ng baka biglang masira itong cellphone na gamit ko o baka di ko matuloy kasi magiging busy na dahil 6 days na lang pasukan na o dahil baka tamarin lang ako. Pero dahil alam kong si Lord ang writer nito, alam kong malalagpasan ko ang anumang magiging pagsubok.

Kung masira man ang cellphone ko, pwede namang sa computer ko ituloy itong devotion.

Kung magkaroon man ako ng maraming gawain pagdating ng school days, lagi ko paring isisingit ito dahil sabi ko nga nung Day 1, put God first. Sa totoo lang naman kasi talaga, hindi naman 24 hours busy ang isang tao. Dun mo lang malalaman kung anong priority mo.

And being lazy is the BIG NO-NO! Wag tayong maging tamad in doing God things. Kasi baka maparusahan ka ni Lord at tuluyan kang maging baldado dahil sa katamaran mo. Ako aminado talagang pagkatamad tamad ko. Minsan tinatamad ako magbasa ng Word of God pero biglang pumapasok sa isip ko na dapat nga magpasalamat pa ako dahil God's allow me to know Him more. Maraming taong hindi nakakakilala kay God dahil bukod sa iba ang paniniwala nila, may mga taong hindi marunong magbasa.

Always remember: if there's a will, there's a way :) kaya walang rason para matakot sa darating na pagsubok. Lahat ng problema ay may solusyon :)

Prayer: Kung ano man ang pagsubok na aming kakaharapin sa aming buhay, hindi kami matatakot dahil kasama ka namin Ama. Tulungan mo kami Lord sa aming mga gawain at maging karangalan po ito saiyo. Amen.


- - -

Mula sa librong "Unli Rice" ni Pastor Joey Umali

Daily BreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon