Daily Bread Day 10

37 2 0
                                    

" Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin. " [ Efeso 3:20 ]


Nang likhain tayo ng Diyos ayon sa kanyang larawan, isinalin Niya sa atin ang ilang mga katangiang taglay Niya at isa rito ay ang power of creativity or imagination.

Ang balahibo ng manok ay lumulutang sa hangin, pero ang bakal, lulutang sa hangin? Imposible yata iyon. Gayunman, ang Wright brothers, dahil sa kanilang mayamang imahinasyon, naniwalang posibleng lumutang ang bakal sa hangin ang bakal. Kayat naimbento nila ang eroplano.

Lahat tayong mga tao ay binigyan ng Diyos ng kakayahang mag imahinasyon. Nasa sa atin lang ito kung pagyayamanin natin.

Pero please lang kapag tayo ay naging successful sa ating naging imahinasyon, wag lalaki ang ulo natin. Tandaan na lahat ng nagagawa natin ay dahil sa Panginoon. Always keep your feet on the ground. At lagi tayong magpapasalamat sa kanya :)


Prayer: Panginoon, salamat sa katangian ng imahinasyon na ipinagkaloob mo sa amin. Tulungan mo kaming mapagyaman at mapaunlad ang mga ito.

Daily BreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon