Daily Bread Day 6

53 2 0
                                    

" Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa."
[Genesis 1:28b]

Dahil tayo'y nilikha ng Diyos ayon sa kanyang larawan at nilikha mula sa alabok, naging karapat dapat tayo na maging tagapamahala.

Naranasan ninyo na bang magtiwala sa isang tao? Yung tipong lahat ng sikreto at ari ariang meron ka ay pinagkatiwala mo sa kanya? Binigo ka ba niya?

Hindi ba't para magtiwala satin ng lubos ang isang tao ay pinangangalagaan natin ang isang bagay na pinagkatiwala niya?

Ganoon din naman ang Diyos. Pinagkakatiwalaan niya tayo sa mga bagay na naririto sa lupa partikular na sa kalikasan.

Ano na nga pala ang lagay ng ating kapaligiran ngayon? Sobrang init ba? Sobrang lamig ba? Nakikita mo pa ba ang nagtataasang mga puno o nakikita mo na ang nagtataasang gusali? Naririnig mo pa ba ang huni ng mga ibon o hindi na? Nalalanghap mo pa ba ang sariwang hangin o usok na lang mula sa mga sasakyan? Yung dagat at ilog? Ano na ang mga kulay nila? Pwede pa ba silang pagliguan ng mga musmos? Nabubuhay pa ba ang isda o basura na lang ang makikita roon?

Hindi naman masama ang umunlad. Kung hindi natin maiiwasang magputol ng puno, bakit hindi tayo magtanim ng higit sa sampu sa bawat punong pinuputol natin?

Pinagkatiwala ng Diyos ang kalikasan satin kaya wala tayong karapatang manira. Climate Change? Global warming? Kasalanan natin yun. Alam naman nating lahat siguro ang pakiramdam ng mga taong sinira ang tiwala natin kaya walang papanagutin ang Diyos sa kalikasan maliban sa atin.


Prayer: salamat dahil pinagkatiwalaan mo kami Panginoon kahit alam namin na kami mismo ang sumisira ng kapaligiran. Wag sana dumating ang araw na kami'y magsisi sa huli. Sana matutunan namin pangalagaan ito Panginoon. Amen

Daily BreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon