"Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata."
Pasimula pa lamang sa unang pintig sa sinapupunan ng ina, naroroon na ang buhay. Ang unang pintig sa puso ng isang buhay na nasa bahay-bata ay kaloob ng Diyos.
Ang pagkakaroon ng sanggol sa isang mag asawa ay kaloob ng Diyos upang matupad ang layunin ng Diyos sa batang isinilang. Ipinanganak siya sa mundo hindi para pahirapan kundi magtamo sa buhay ng kasiya siya kahit na sa mundo ay puno ng paghihirap.
Tayo ay nanggaling sa magulang natin. The mother carry us in her womb for nine months. At bilang isang ina, hindi ganun kadali ang mag buntis ng sanggol. Kaya tayong mga anak ay walang karapatang mag rebelde sa magulang lalo na sa ina dahil di naman tayo mabubuhay sa mundo kung hindi dahil sa kanila. Kaya wag ka mag aalinlangan kung mahal ka ba talaga ng iyong ina kasi kung hindi, sana baby ka pa lang, pinatay ka na niya.
Kung pakiramdam mo na hindi ka niya mahal, isipin mo ang mga bagay na ginawa niya para sayo. Kung paano ka niya binuhay at inalagaan, kung paano ka turuan ng leksyon sa twing meron kang kasalanan, kung paano maghagilap ng pera para sayo makakain ka lang ng maayos.
May mga ina kasi na hindi showy sa kanilang nararamdaman. Pero isipin mo na lang na baka na iistress lang siya. Dahil sabi nga, ang pagiging ina ay isang habang buhay na trabaho. Walang kontrata, walang sahod, walang half o overtime, walang resignation o retiree kundi panghabang buhay.
Kaya habang buhay pa ang iyong Ina, lagi kang magpapasalamat sa kanya. Lagi mong iparamdam na mahal mo siya. Kasi walang pera ang pambayad sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal niya.
Ako, lumaki ako na walang kasamang ina. Nagkaroon na kasi siya ng ibang pamilya. Nung Una, nagtatampo ako at napapaisip "bakit nangyari sakin to?" "Bakit parte ako ng broken family?" "Bakit nagawa yun ni mama?" Kung ano ano naiisip ko. Babae kasi ako kaya mas kailangan ko ang kalinga ng isang ina dahil nga sa parehas kaming babae. Pano na lang kung magkaroon na ako ng bwanang dalaw? Anong gagawin ko? Sinong magtuturo sakin maglinis? Magluto? Sinong aattend sa meeting sa school kung kailangang ina ang representative?
Kaya naman naging goal ko ay makatapos ng pag aaral para bumalik siya samin. Pero ngayon naunawaan ko na ang lahat.
Hindi ako magtatapos dahil para makasira ulit ng pamilya. May mga kapatid na ako sa ibang asawa ni mama kaya hindi ko na hahayaan na maranasan din nila ang mawalan ng magulang. Ayoko na maging selfish. Tama na ako ang makaranas nun kesa kapatid ko. Magtatapos ako dahil para masuklian ang ginawa niyang sakripisyo para sakin. Lahat ng paghihirap niya. Alam ko naman sa sarili ko na mahal ako ni mama kahit na lumaki ako na wala sa tabi niya.
Kasi hindi naman kailangan lagi ng presensya ng isang tao para maramdaman mong mahal ka niya kundi kung anong hirap ang dinanas niya mabuhay ka lang. Sapat na yun para maramdaman mong mahal ka niya.
Kaya kung ikaw na nagbabasa nito at kasama mo sa iyong paglaki ang iyong Ina, magpasalamat ka sa kanya. Yakapin at halikan mo siya. Iparamdam mong mahal mo siya. Kasi ako ginagawa/sinasabi ko yun kahit na sa social media lang. Atleast nasasabi ko habang parehas pa kaming nabubuhay sa mundo.
Prayer: Lord, sobrang thankful ako sayo dahil si Mama ang naging ina ko. Salamat kasi pinalinaw mo saking isipan na hindi kailangan maging makasarili ang tao para lang makaranas ng pagmamahal ng isang Ina. Kasi anjan parin naman si papa at Hindi niya kami iniwan. At saka anjan parin si Mama. Nakakausap ko parin siya. Kahit Hindi ko siya katabi sa pagtulog, ang sakripisyo at pagmamahal niya na walang katumbas ay hindi nawawala sa isip ko. I thank you Lord for having a parents like them :)
