Kwinento lang samin toh nung prof namin. Hope na may matutunan tayo :)
May isang pamilya na hindi naniniwala sa Diyos. Isang araw ay minasaker sila. At kataka takang nabuhay ang bunsong anak na lalaki.
Kinupkop ang bata ng mga madre. Ipinakita nila ang larawan ni Jesus.
"Kilala mo ba ito?" Tanong nila.
"Opo."
Gulat na gulat ang mga madre.
"Paano mo siya nakilala?" Tanong ulit nila.
"Siya yung yumakap sakin habang pinapatay ang pamilya ko."
Moral lesson: Kung ang mga taong di nga naniniwala sa Diyos ay tinutulungan at patuloy na bine-blessed niya, paano pa kaya tayong naniniwala sa kanya?
