Daily Bread Day 8

47 2 0
                                    

" Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata." [1Cor 13:11]

Ang isang bata ay may ugaling matampuhin na kapag hindi nasunod ang gusto, umiiyak, nagagalit o worst nagwawala. Mainggitin lalo na sa materyal na bagay na wala sa kanila. Halimbawa may nakita sa kalaro na bagong laruan, madalas naiinggit ang bata. Ang mga bata din ay madalas pabago bago ang isip at hindi malaman kung anong gusto.

Ang isang matured person ay malawak ang karunungan hindi lang sa academics o taas ng IQ kundi marunong umunawa sa mga bagay bagay. Hindi siya nagpapasya ng padalos dalos at hindi humahatol ng masama sa kapwa.

Ang isang matured person ay may tamang pangangatwiran. Sumusunod siya sa panuntunan ng Diyos ayon sa akmang kaisipan.

Halimbawa:

Sex out of wedlock?

Maling pangangatwiran: okay lang yan sa mag nobyo/nobya dahil mahal ninyo naman ang isat isa. Pinapatunayan lang ninyo na nagmamahalan kayo.

Tamang pangangatwiran: God taught us to be pure. God taught us that "sex" is a sacred that only husband and wife can do.

Hindi ba masarap sa pakiramdam na ang first kiss mo sa taong mahal mo ay may blessing ni God at may sabing "You may now kiss the bride."

Wag tayong mangatwiran na okay lang makipag sex kasi bf/gf mo yun. Natural lang yun. Maling pangangatwiran ang sinasabi ng mundo pero tamang pangangatwiran ang sinasabi ng Diyos at ginagawa ito ng matured na tao.

Prayer: makita mo nawa kami Panginoon, na matured Christians na sumusunod sa Iyong panuntunan upang makita Ka naman ng iba sa amin.



--

A/N : You can read the book "Real Men are Pogi" by Ardy Roberto lalo na kayo boys :) 75.00 lang naman ehh. Pero kung wala kayong pambili hiramin ninyo na lang sakin. Haha :)) Ganda nun promisseee :) mababago ang kaisipan natin especially usaping sex :) kahit girl ako binasa ko parin yun. Haha :)) yun ang first gift ko sa current bf ko eh. Hihi :))

Share ko lang: naibalik na samin laptop at tablet. Hihihi :)) salamat Lord ha :) alam mo yung naisip ko na imposible na maibalik pa yun kasi baka naibenta na pero wala pala talagang imposible Kay Lord noh :)

Daily BreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon