"Ngunit para sa akin, kay Yahweh ako mananalig. Hihintayin kong may pagtitiwala ang Diyos na magliligtas sa akin at ako'y kanyang diringgin." [Mikas 7:7]
Kapag tayo'y nasa panahon ng krisis, isang bagay ang napakahirap gawin -- ang maghintay. Gusto nating madaliin ang lahat, maging ang Diyos. Bahagi ng buhay ng tao ang krisis, ang problema, ang pagkabigo. Maaari tayong madapa ngunit ang mahalaga kapag tayo'y nadapa, bangon. Ang kadakilaan ay hindi ang hindi ka na nadadapa. Ang kadakilaan ay ang ikaw ay bumabangon pagkatapos na ikaw ay madapa. Kapag may krisis, meron ding oportunidad.
Usong uso ngayon yung shout out na "walang forever." Madami akong kabataan na nakakasalubong na kapag nakakakita ng couples sumisigaw or mga facebook status na nagpopost niyang famous line na yan. Bakit ba sila sabi ng sabi o post ng post ng ganyan? Dahil ba sa nasaktan sila ng dati nilang boyfriend o girlfriend kaya nagbreak sila dahilan para hindi sila maniwala sa "forever"?
Kung ikaw na teenager pa at isa ka sa guilty dahil sa pagsasabi niyan kesyo niloko ka ba dati o pinaasa ka, please mag aral ka na lang muna. Tsaka mo na isipin yang love love na yan. Alam mo kung bakit ka niya bin-reak o pinaasa, kasi may magandang opportunity pa na darating sayo. Maybe its God's way of saying "My child, stop ka muna sa ganyan. Mag aral ka na muna. Meron akong great plans for you." For sure mangangatwiran ka "ehh gusto ko po ng inspirasyon. I want to feel LOVE." Ehh ateng, kuyang, hindi naman kasi por que may boyfriend o girlfriend ka, yan na makakatuluyan mo. Bata kapa. Marami ka pang makikilala. pwede mo naman gawing inspirasyon ang family mo at friends mo. At syempre pati si Lord. Kasi God is Love.
Kung ikaw naman ay nawala na ang edad sa kalendaryo pero di parin nahahanap ang "forever" mo, dont lose hope. May plano si Lord for you. Hinahanda niya pa yung taong deserving ng pagmamahal mo. Matuto ka lang maghintay. Basta kay God makakaasa ka. The best pa ang bibigay niya sayo.
Sa madaling salita, lahat ng trials mo na heartbreak, gawin mo itong opportunity para magtagumpay ka sa buhay. Sa bible, maraming beses nabanggit ang salitang "forever". Because FOREVER DO EXIST. Kasi pag sinabi mong "walang forever", para mo na rin sinabing walang kwentang mahalin ka kung wala naman palang forever diba? Sa tingin mo ba seseryosohin ka ng taong gusto mo kung mismo sa sarili mo, mali ang pananaw mo? Think positive lagi.
God, in His infinite wisdom, can always turn our failures into learning, our frustrations into opportunities and our trials into triumphs.
Prayer: Sa panahon ng krisis, palakasin mo, O Diyos, ang aming pananampalataya upang kami'y pumaibabaw sa mga problema ng buhay. Amen.
