Prayer

133 1 0
                                    

Lord,

You are almighty. You are powerful. You are good. You are my savior. You are my life. Napakabuti ninyo Panginoon. Makatarungan ka Panginoon. Purihin ka Lord God.

Napakadaming bagay ang dapat naming ipagpasalamat sayo. Una pa lang na mamulat ang Mata namin sa umaga, yun na ang unang blessing na binigay mo sa amin dahil patunay na habang nabubuhay kami sa mundo may pagkakataon pa kami na magbago Lord. Salamat dahil nabibigyan mo kami ng makakain sa araw araw sa pamamagitan ng aming parents. Salamat Lord sa mama ko na nagpapaaral sakin. Sa papa ko na nagtatrabaho para mapakain kami. Napakathankful ko Lord kasi sila ang magulang ko kahit na Hindi na sila magkasama. Napakathankful ko kasi napapag Aral mo kami ng kapatid ko through our parents.

Napakathankful ko Lord kasi nakakapasok ako sa maayos na unibersidad.

Napakathankful ko kanina kasi nakaiwas ako sa tukso Lord. Ayoko na po magkasala sayo ng ganun kasi ayoko na maulit mga consequences. Thank you Lord dahil tinuruan mo ako ng leksyon. Sana Lord patuloy kang kumilos sakin.

Lord thank you kasi kanina muntik na akong manakawan nung babae. Buti pinaramdam mo sakin na may humihila at nagbubukas ng zipper ng bag ko. Salamat kasi wala siyang nakuha. At kahit pwede ko siyang ipabaranggay kanina Di ko na ginawa kasi kayo na ho bahala sa kanya. Ganun din po sa nagnakaw ng laptop at tablet namin. Tatlong araw na po ang nakalipas ng mangyari yun. Kahit po masakit samin na mawalan ng gamit, mas masakit pag ikaw ang nawala sa buhay ko Lord God. Sorry kung nakapag isip at salita ako ng hindi maganda sa kanila. Ngayon Lord kung Hindi na ho talaga mababalik yun, maiintindihan ko po kayo Lord kasi baka kaya lang nagagawa ng mga magnanakaw yun dahil sa wala na silang mapakain sa pamilya nila o baka may sakit ang isa sa pamilya nila. Sana po mapatawad ninyo ako at mapatawad ninyo sila. Bigyan mo na lang po sila ng matinong trabaho at turuan mo silang magsisi para Di na po sila makagawa ng masama sa kapwa. Thank you talaga Lord kasi Di nakuha cellphone ko.

Lord thank you sa nangyari sakin kanina. Lahat lahat Lord God. Kahit masama pang pangyayari yan, iisipin ko na lang na wala kang ibibigay sa tao na problema na hindi kaya.

Sorry Lord kung hindi ko napasukan ang dalawang subject ko kanina. Sana Lord bigyan mo ako ng knowledge lalo na sa subject na nahihirapan ako. Ayoko na ho kasing mangopya.

Sorry Lord sa lahat ng maling naiisip, nagawa at nasabi ko. Sorry Lord kung puro ako katamaran. Sana Lord tulungan mo akong magbago.

Sana Lord wag na wag ka tumigil sa pagbibigay ng blessing sakin at sa lahat ng tao. Sana Lord magkaroon na ng kapayapaan kasi sa totoo lang Lord diba bata pa lang ako lagi ko na pinapanalangin sayo na sana matigil na ang gulo dito sa mundo. Lagi Kong pinapanalangin sayo na Sana lahat ng tao magbago na. Sana ikaw na lang ang Diyos na kilala at pinaglilingkuran nila

Lord thank you sa mga parusa mo sakin. Kasi natututo ako. Baka siguro kaya muntik na akong manakawan ng cellphone kanina kasi di ko inaupdate tong Daily Bread. Sorry Lord Di na mauulit.

Sorry Lord sa mga pagkakataong tinatawag mo ako pero nagbibingi bingihan ako. Lord baguhin mo ako Lord. Wag mo ako iiwan Lord. Wag mo susukuan ang mga tao. Kahit na yung mga nagbebenta ng kaluluwa sa demonyo. Tulungan mo parin sila magbago. Sana lahat ng tao sa mundo ngayon, magkakasama parin kami jan sa inyo sa langit. Gusto ko lahat ng tao Lord sama sama pumupuri sayo.

Sana yung mga taong naaaddict gawin ang makamundong bagay, Sana sayo na lang kami maaddict. Baguhin mo kami Lord. Ayaw ko maaddict kami sa mga bagay na Hindi nakakapagpa glorify sayo Lord.

Sana Lord pagalingin mo yung papa ng best friend ko. Bigyan ninyo pa po siya ng mahabang buhay para mapalapit pa siya sayo. At sa lahat ng mga tatay na may Sakit ngayon Lord pagalingin mo sila. Kailangan pa po namin ng mga tatay Lord.

Salamat Lord dahil basang basa yung bahay namin dahil sa tulo ng ulan. Salamat Lord kasi kahit ganito ang bahay namin, kontento na po kami basta sama sama kami ni Papa at kapatid. Kayang kaya naman namin patuyuin ang bahay kasi tutulungan mo naman kami maglinis diba Lord? Kaya Salamat nakahiga na po kami ngayon. Pauwiin ninyo po si Papa ng maayos Lord ha.

Thank you thank you Lord!! Kung mayayakap lang talaga kita ehh. Pero yayakapin ko na lang unan ko kasi iisipin ko na lang ikaw ang katabi ko matulog.

Sana Lord makapagsimba kami sa linggo at makapagbigay ako ng tithes.

Thank you Lord. You are powerful. You are awesome. With you, I feel peace in my heart. You give calmness. You refresh me. Thank you Lord. You are my king and I'm your princess. Goodnight Lord. Amen :)

---

Naiiyak ako pagka type nitong prayer. Parang pakiramdam ko niyayakap ako ngayon ni God. Basta Hindi ko maipaliwanag yung feeling ko ngayon :) Sana nararamdaman ninyo rin to ngayon :)

Enewei, kung may prayer requests kayo, icomment ninyo na lang or i-message ninyo sakin through wattpad or my Facebook: tin.culina@yahoo.com.ph :) God bless :)

Daily BreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon