Daily Bread Day 5

56 1 0
                                    

" Pagkatapos ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok...."
[Genesis 2:7]

Nang likhain ng Diyos ang tao, gumamit siya ng lupa. Ang tao ay mula sa lupa at babalik sa lupa.

Lupa ang kalikasan ng tao--natural at walang artipisyal na sangkap. Kung kayat sa kanyang kapayakan sapagkat nanggaling sa lupa, hiningahan naman siya ng Espiritu ng Diyos upang magkaroon ng kapangyarihan.

Iyong lupa ay ang physical make up ng tao at ang hininga ng Diyos ay ang espiritwal.

Upang ang tao'y manatiling buhay at tagapangalaga ng buhay ng lahat ng nilikha ng Diyos, kailangan niya ng hininga ng Diyos. Kung papaanong mayroon siyang natatangi at natural na kaugnayan at pagmamahal sa lupa, natatangi rin at natural ang kanyang kaugnayan at pagmamahal sa Diyos.


Prayer: Bagamat kami'y nilikha mula sa lupa, nilikha mo kaming kalarawan mo at taglay ang mabubuti Mong katangian upang parangalan at luwalhatiin ka Panginoon

Daily BreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon