Daily Bread Day 4

81 0 0
                                    

"Pagkatapos, sinabi ng Diyos: "Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit." Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae."
[Genesis 1:26-27]

Kakaiba at espesyal ang tao sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil:

Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan - Hindi ito sa aspetong pisikal kundi sa personality, rationality, morality, at spirituality. Ito ang mga katangiang kailangan ng tao upang gawin siya ng Diyos na tagapamahala.

Nilikha ng Diyos ang tao mula sa alabok - Ang lupa ay hindi lamang tirahan ng tao. Ito rin ay dwelling place ng Panginoon kayat ito ay banal at dapat pangalagaan ng tao.

Ginawa ng Diyos ang tao na kanyang kinatawan o stewards - Binigyan ng Diyos ang tao ng kapangyarihang pangalanan ang lahat ng nilikha. Ang all-encompassing stewardship ay ang pangangalaga sa environment. Apektado nito hindi lamang ang sarili, pamilya at organisasyon kundi ang buong mundo.

Yes God created people para pamahalaan ang naririto sa mundo but that doesn't mean na pupwede na nating sirain ito. Nilikha niya tayo para maging katiwala kaya dapat maging mabuti at tapat tayo sa Kanya at sa mga gawa niya.

Prayer: Thank you Lord dahil nilikha mo kami. Sana ay maging tapat at mabuti kaming katiwala sayo Panginoon.

Daily BreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon