"Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito. Hindi rin sa ako'y ganap na; ngunit sinisikap kong makamtan ang gantimpala sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako'y tinawag ni Cristo Jesus." [Filipos 3:12]
Paano matatanaw ang bukas na may pagtatagumpay?
Una, kailangang maging malinaw ang ating hangarin, ang ating tunguhin, ang ating layunin sa buhay.
Ikalawa, kailangang siguruhin nating mabuti ang ating hangarin. Tandaan na kahit maganda ang iyong hangarin, kung ginawa mo naman sa masama, ay hindi makakabuti sa kapwa at para satin.
Ikatlo, kailangang matuto tayong tandaan ang dapat tandaan, at kalimutan ang dapat kalimutan.
Ikaapat, kailangan tayong magsumigasig. If theres a will, there's a way. Hindi lang dapat tayo dasal ng dasal at wala ng ginagawang paraan. Dapat tayo rin ay kumikilos para magtagumpay.
Prayer: Panginoon, tulungan mo akong tanawin ang bukas na may pagsisikap, pagtitiyaga, at determinasyon na Kasama Ka para sa isang matagumpay na buhay.