"Purihin ninyo si Yahweh, mga nilikha sa kalangitan, kilalanin ang kanyang lakas at kanyang kaluwalhatian. Purihin ang kanyang maluwalhating pangalan, sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan." [Awit 29:1-2]
Ang glory ng Diyos ay pinapakita sa Kanyang kabanalan.
Ang unang tugon natin sa glory ng Diyos ay ang pagluwalhati ng kanyang pangalan sa pamamagitan ng ating mga labi. Banal ang Diyos na ating sinasamba kayat kailangan din tayong maging banal.
Worship changes the worshippers into the image of the one worshiped.
Ang ikalawang tugon sa glory ng Diyos ay sa gawa ng ating mga kamay sa pamamagitan ng paglilingkod sa ating kapwa.
Ang pag-go-glorify sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus ang tanging paraan para sa tunay na kagalakan, kapanatagan at pagtatagumpay.
Prayer: Masumpungan Mo nawa kaming nagpupuri sa Iyo, O Diyos, sa pamamagitan ng aming mga labi at naglilingkod sa kapwa upang maparangalan Ka sa aming buhay.