"Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo." [Fil 1:6]
Pawang mabuting bagay ang pinasisimulan sa atin ng Diyos because God is not capable of doing evil. Hindi tayo nasisiyahan sa mga bagay na hindi kumpleto --- lalo naman ang Diyos. Kaya't makakaasa tayo na lahat ng magandang bagay na sinimulan Niya sa atin ay Kanyang tatapusin.
Marami pa Siyang ibubuhos na pagpapala sa iyo. Kapag ang Diyos ay nagpala, hindi ampon kundi buhos. Ika nga siksik, liglig at umaapaw. Tandaan mo, hindi pa tapos ang Diyos sa paggawa ng kabutihan sa iyong buhay. Kaya habang buhay, may pag asa, may pagpapala.
Prayer: Salamat Panginoon, sa lahat ng Iyong kabutihan at pagpapala. Taglay ko sa aking puso ang kasiguruhan na lulubusin mo ang lahat sa takdang panahon.