Lord, you are good. You are powerful. King of all kings. You are divine. You are my savior.
Thank you po sa lahat ng blessings na natatanggap namin Lord. Maliit man sa paningin namin O malaki, maraming marami pong salamat sa lahat. Di ninyo ho kami pinapabayaan. From the moment na nagigising kami sa umaga, dun pa lang thankful na kami sa iyo Panginoon. At from the moment na ipipikit na namin ang aming mata sa pagtulog, sobrang thankful po kami.
Marami pong salamat dahil binigyan mo pa si Papa ng 1 year sa kanyang edad. Thank you po dahil siya po ang napili ninyong maging ama para sakin. Thank you Lord dahil binigyan mo ako ng amang responsable, pasensyoso, masarap magluto, makulit, mahiyain, mabait, at palatawang ama. Feeling Pogi nga lang siya Lord. Hahaha :))
Thank you po nakakapag aral ako, nakakakain ng maayos at nakakauwi sa bahay ng maayos.
Sorry po sa mga katamaran ko sa buhay. Tulungan mo po akong mabago yun Lord God. Sorry sa maling nagagawa ko malaki man O maliit na nagagawa, alam ko pong kasalanan yun Lord. Sorry sa nagawa kong Mali. Tulungan mo po kaming mabago ang ugali naming reklamador, mainipin, mabilis magalit at palamura. Tulungan mo po kaming mabago instead na maaddict kami sa worlds possessions like game addictions or even pornography.
Sana Lord, tulungan mo ako na magfocus sa isang bagay. Madami po akong gustong gawin Pero Di ko po masimulan. Tulungan mo po ako i-manage yung oras ko. Alam ko pong mas the best and better ang plano mo para sakin kesa plano ko sa buhay.
Thank you Lord for being always there for me. Thank you for being my friend, a brother and a father. Thank you Lord. Happy Fathers Day. Amen :)