Daily Bread Day 15

29 0 0
                                    

"Huwag kang matakot sapagkat ipapalupig ko siya sa iyo. [Bilang 21:35]"

My true story:
Ilang buwan na ako Di mapakali. Takot na takot ako lumabas ng bahay. Natatakot akong makita yung ex-bf ko. Nakipag break na kasi ako sa kanya kasi nga same story tamang hinala siya, lahat pinagseselosan, mahigpit. Kapag sinasabi ko sa kanya na Kasama ko mga friends ko sa school naghihinala siya. Kapag may mga group meetings kami lalo na sa thesis, kailangan hindi lalagpas ng isang oras ang paggawa ko kasama sila. Pag may mga bago akong gamit, feeling nia binigay lang sakin ng lalaki. Pag nangangamusta sakin mga kaklase kong lalaki, feeling niya nagpapaligaw na ako. Kaya yun nakipag break ako kasi feeling ko nawawala na respeto niya sakin. Pag nag aaway kami, lagi niya sasabihin na nagbabago na ako kasi may mga bago akong friends. Kaya ayun nakipag break na ako. Di ko na nararamdaman respeto niya ehh. Gusto niya nakipag balikan. Binigyan ko siya ng chance. 6 months na magbago siya magtiwala siya sakin. Pero ganun parin kaya sabi ko tama na itigil na namin. Nagalit siya sakin. Sabi niya kaya daw ayoko na kasi may nagugustuhan na akong iba.

Ang ginawa ko pinigilan ko makipag communicate sa kanya. Pero ginugulo niya talaga ako. Ppilitin niya ako sumama sa kanya pepwersahin niya ako hihilahin niya ako hanggang sa mag away na kami sa daan. Hanggang ngayon same routine. Ginugulo niya talaga ako pnipilit niya ako makipag balikan ehh ayoko na. Natatakot na ako sa ginagawa niya sakin ehh. Yung pagsasabi niya sakin ng masasakit na salita, yung pang pwersa pwersa niya sakin, yung hihilahin niya ako, yung panlilisikan niya ako ng mata, yung pagmumura niya sakin.

Tapos kahapon pinuntahan niya na naman ako sa bahay. Tinawag niya ako gusto niya makipag usap sakin. Ehh ayoko na. Tsaka takot na takot ako lumapit sa kanya. Kaya pumasok ako sa loob ng bahay Pero pumasok parin siya. Yun nga pinipilit na naman niya makipagusap ako sa kanya. Sabi ko ayoko na. Takot na takot ako sa kanya. Ayaw ko na hawakan niya ako. Ayaw ko marinig boses niya. Pero dikit siya ng dikit kaya umiyak na ako. Humagulgol na ako at dun niya lang naisipang umalis.

Kanina naman nalaman na naman niya na nandun ako kila tita kaya tinetext niya ako. Lumabas na daw ako ng bahay at siya ang maghahatid sakin pauwi. Takot na takot ako. Sabi ko Lord tama na. Natatakot na talaga ako sa ginagawa niya. Tulungan mo ako gusto ko na makauwi.

Nagpahatid ako sa pinsan ko sa labas. Mabuti talaga Di niya ako Nakita. Salamat Lord.


Prayer: Lord, marami pong salamat at di ninyo ako pinabayaan kanina. Takot na takot talaga ako. Natotrauma na ata ako sa ginagawa niya sakin. Sana po tulungan ninyo po siya magbago. Sana po maging ok na lahat.

Daily BreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon