Daily Bread Day 1

203 6 0
                                    

" Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at lupa; ang lupa ay walang hugis o anyo."
[Genesis 1:1-2a]

Nang simulang likhain ng Diyos ang mundo, wala itong kaayusan. Madilim at nakakatakot na lugar. Pero dahil sa Kanyang kapangyarihan, naging maayos ito.

Bago tayo gumawa ng isang bagay, lagi nating iisipin na bago pa lang natin gawin ay naroroon na ang Diyos. Dahil ang Diyos ay laging nauuna bago pa man natin simulan/puntahan o gawin. Walang tayong dapat ipagmalaki dahil lahat ng nasa sa atin ay Siya ang nagbigay/gumawa. Lahat ng magagandang/mabubuting bagay na ating nagagawa ay galing sa Diyos at iyon ay pinapaisip lang Niya sa atin. Kayat lahat ng karangalan ay dapat bumabalik sa Diyos. Dapat natin pasalamatan at purihin ang Diyos.

Maraming bagay na hirap nating simulan. Halimbawa na lang ako sa paggawa nitong Devotion. Nung una kong naisip, baka hindi ko ito masimulan o maituloy kasi baka pagtawanan lang or laiitin itong devotional na gagawin ko o baka walang magbasa kasi sabi ko nga, im not good into written/verbal communication kasi Magaling lang ako makinig. Pero sabi nga sa verse kanina, bago pa natin gawin, kasama natin Siya at Siya na ang tumapos. He is Alpha and Omega.

Ano naman kung hindi ako magaling sa written/verbal skills? Eh pwede ko naman ipaliwanag sa kung ano lang ang naintindihan ko. At alam kong tutulungan ako ni God dito. Siya ang magsusulat. Ako lang ang ginamit niyang instrumento.

Ano naman kung pagtawanan itong gawa ko? I'm not doing these for myself but for God. Sa mundo hindi na mawawala ang persecution. Pero please take time to read this. A verse a day can change your life.

At hindi totoong walang magbabasa nito kasi marami paring Christians na nagmamahal kay God. Hindi lang sila nagbabasa ng mga love story dito sa wattpad kundi nagbabasa rin sila ng devotions or Word of God :)

Kaya no need to worry. Wala tayong matatapos kung puro takot lang ang pinapairal natin. Bago pa natin nasimulan, natapos na niya. Kaya whatever we do, whether writing devotions, reading bible, studying lessons, eating meals, or going out with friends, ask for His assistance and He will guide you. Put God first at the center of your heart and He will lead you to what your heart wants :)

Prayer: Lord we praise you. Walang dahilan para kami'y matakot sa aming gagawin dahil kasama ka namin lagi. You are the writer and we are the pen. Thank you Lord :) Amen


- - -

Mula sa librong "Unli Rice" ni Pastor Joey Umali

Daily BreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon