Daily Bread Day 16

50 1 0
                                    

"Kung ako ma'y nasa kadiliman,tatanglawan ako ngayon ni Yahweh." [Mikas 7:8b]

Ang pananampalataya ay bumubukas sa panahon ng madilim na krisis. Faith gives us the power to see beyond darkness. Feeling God's presence requires more than the faculty of sight.


Marami nagsasabi "bakit tayo maniniwala sa Diyos eh hindi nga natin siya nakikita?" Limang senses ang binigay satin ng Panginoon. Merong sense of sight, sense of smell, sense of hearing, sense of taste at sense of touch. At habang nabubuhay kapa sa mundo, mawalan ka man ng isang senses dyan, hindi yun rason para di mo na gustuhing mabuhay. Halimbawa pinanganak kang bulag. It doesnt mean na wala ng kwenta ang buhay mo. May apat na natitira pang senses sa buhay mo at sapat na dahilan ito para magkaroon ka ng pag asa at gumawa ng bagay na kapaki-pakinabang sayo, sa mga tao sa paligid mo at sa Diyos. And im sure ikaw na nagbabasa nito, kumpleto ang senses mo. Kung ang mga taong may kapansanan nga, gumagawa ng dahilan para mabuhay at ngumiti, ikaw pa kaya?



Sa buhay marami tayong nakikita pero may mga bagay na hindi natin nakikita pero nararamdaman natin. Tulad ng love.

Hindi natin nakikita pero nararamdaman natin. Ganun din ang presensya ng Panginoon satin. Hindi natin siya nakikita pero nararamdaman natin siya lalo na sa panahon na tayo'y nawawalan na ng pag asa. Simula nga nung nakilala ko ang Panginoon, lagi ko nararamdaman ang presensya niya. Sa panahon na kinakausap ko siya, nararamdaman ko minsan na niyayakap niya ako. At alam mo yun masarap sa pakiramdam. Lalo naman pag may problema ako. Dun ko lalo nararamdaman si Lord. Kasi alam kong hindi ako ang nag sosolve ng problema kundi Siya.

Kaya ikaw na nagbabasa, please wag mo sayangin ang buhay na meron ka. Ang problema, oo mahirap pag nanjan ka sa sitwasyon na yan pero tandaan mo, kumapit ka lang kay Lord, bukas makalawa, lilipas din yan.



Prayer: Lord, guide us whenever we face our trials. Please lead our way. Be the captain of our ship life. Amen

Daily BreadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon