" Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo. " [Filipos 1:6]
Bahagi na ng buhay natin dito sa lupa ang pagkatakot. Paano natin maiaalis ang takot at pangamba? Paano tayo magtatagumpay sa ating buhay?
Bago tayo maging instrumento ng Diyos para makapangaral sa ibang tao, kailangan sarili natin mismo ay hindi palyado.
Kung sa una maninibago tayo kasi napapalapit na tayo Kay Lord by praying every morning pagkagising, bago kumain, pag papasok sa school o trabaho, pag matutulog, pagdedevotional, pagbabasa ng bible at pagsisimba.
Sa una medyo makakaramdam tayo ng takot kasi baka pagtawanan tayo ng ibang tao dahil hindi naman sila sanay na may relasyon na tayo sa Panginoon. Nakakaramdam tayo ng takot.
Pero diba sabi nga ng Diyos siya ang Alpha at Omega. Kasama mo siya lagi. Lahat ng nasimulan mo, Kasama mo na siyang tumapos kaya theres no need to worry. God is with us all the time. Kung naumpisahan mo ng mapalapit Kay God, walang dahilan para matakot pa. Ang lahat ng mabuting Kanyang pinasimulan sa ating buhay ay tatapusin Niya, kukumpletuhin Niya.
Remember God's dream for us can come through if we hold on to Jesus.
Prayer: Panginoon salamat sa Iyong kabutihan at katapatan mula pa nang kami'y isilang hanggang sa ngayon at maging sa hinaharap.