"Pizza, burgers, fries, milktea at mango pie!"
Nilapag ko sa table ni Helen ang lahat ng ipinabili niya sa akin sa labas.
"Bale six fifty lahat," hingal na sambit ko bago lumabi.
Ngumuso siya. "Paano ba 'yan? One hundred lang 'tong dala ko?"
Ipinakita niya sa akin ang isang daang pisong papel at saka ngumisi.
Saglit akong nagtiim bagang saka pilit na ngumiti.
"Okay lang. May...extra pa naman ako e." Lumabi ako at saka tumalikod na.
Naghagikgikan sila ng grupo niya. Snack time at tumakbo pa ako sa labas para lang maibili sila ng foods. This isn't the first time though. Minsan o madalas kulang ang pera ni Helen kaya ako ang nagbabayad ng kulang. Minsan na rin akong pinagalitan ni dad dahil sa madalas ko nang paghingi ng pera sa kanya.
"Kakabigay ko lang sa 'yo ng allowance mo this week, ah? Limang libo 'yon, Frances. Wala na agad?"
Yumuko ako at pinaglaruan ang mga kamay.
"Gano'n ka ba kalakas kumain, anak?" napapabuntong hiningang saad niya.
Hindi na ako nagsalita. Ayokong magsumbong.
"Spend wisely, hija. At kung maaari, magdiet ka na." Hinugot niya ang kanyang wallet sa bulsa sa likod ng kanyang slacks at nagbilang ng tiga isang libo.
"Oo, may kaya tayo pero hindi ka p'wedeng hingi nang hingi, anak. Learn to spend your money wisely. And try to earn, will you?"
Sinulyapan niya ako at saka nilahad ang tatlong libo.
Nahihiya ko 'yong tinanggap. Nahihiya ako kay dad. Kung tutuusin, hindi ko nagagastos ang limang libo sa isang linggo. May natitira pa at 'yon ang iniipon ko. Kaya lang, no'ng nand'yan na si Helen na pumepeste sa akin araw-araw, pati ipon ko naubos na.
"Pizza, burger, fries, milktea. Pizza, burger, fries, milktea. Pizza, burger, fries, milktea-"
"Sa'n ka na naman pupunta?" Hinigit ni Mimi ang braso ko nang magkasalubong kami sa hallway.
Umiwas ako ng tingin at saka marahang iniiwas din ang braso ko. Aalis na sana ako nang muli niya akong higitin.
"Frances!" nagbabantang tinig niya.
"Hayaan mo na ako, Mimi," mahinang sagot ko.
Biglang lumamig ang tingin niya sa akin.
These past few days, madalang na kaming magkasama ni Mimi. Sa klase na lang kami nag uysap dahil ang madalas ko nang makasama ay ang grupo ni Helen.
"Eight times four plus...ano na ba 'yon?" bulong ko at napakamot sa ulo.
"Ito pa, piggy."
Bumagsak ang sangkatutak na libro at notebook sa mesa ko sa library.
"Bukas ang deadline ng mga 'yan. Agahan mong ibigay, ah?" Ngumisi si Helen at ang mga kasama niya bago lumabas.
Bumuntong hininga ako.
Maghapon magdamag kong tinapos ang homework at projects nila. Alas cuatro na nang matulog ako kaya naman kinabukasan, hindi na naman ako nakapasok sa unag subject.
"Homework at projects mo hindi mo nagagawa pero nagagawa mo sa iba," sumbat ni Mimi sa akin.
Hindi ko na siya pinansin. Hahaba lang kasi at magtatalo lang kami.
"Ihahatid ko lang 'to," mahinang sabi ko bago malamyang lumabas ng classroom.
Lumipas ang isang linggo na gano'n. Tumigil na ang karamihan sa pambubully sa akin dahil kay Helen, pero naging aso naman nila ako. Hindi ko alam kung mas gugustuhin kong i-bully ng lahat kesa ng iisang tao lang pero malupit naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/288699797-288-k9401.jpg)
BINABASA MO ANG
Termination of Desire
RomanceWhen it comes to her overweight figure, Frances Dominique Villarosa has never felt confident. She was never popular at her school and was frequently the target of bullying. She had lost all faith in love up until she meets Gunther Frawley Esquivel...