I didn't know why I bought it. I just found myself addicted to its fragrance. Sobrang bango ng perfume na 'yon. The sales clerk was right. It was really suitable for mature women—elegant, classy, sophisticated women. And although it was a bit pricey, you will never regret buying it.Naubos nga ang allowance ko for this week sa pagbili ko no'n pero mabuti na lang at nakahingi ulit ako kay dad.
"Is it you, Frances?"
"Huh?"
Napalingon ako kay dad nang makababa na ng hagdan at aalis na sana para pumasok sa school.
"Yung mabango? Is it your perfume?" aniya, bahagyang nakangiti.
I nodded slowly and looked at them three. Nasa sala kasi sila at naghahanda na ring umalis.
Nagkatinginan sina mom at dad.
"I like your perfume," dad complimented.
Tipid akong ngumiti at napahimas sa ulo.
"Thanks...dad," nahihiyang sambit ko bago magpaalam.
It was an ordinary day at school, gaya ng dati. Nga lang, minsan napapansin kong maraming napapalingon sa akin. I don't know what's with them but I just shrugged it off.
"Iba ang amoy mo ngayon, ah? Oh eto, magwalis ka." Inabutan ako ni Mimi ng tingting at saka umalis para magwalis din.
Ngumuso ako at pumunta sa designated area namin. Maaga pa lang at nagsisiwalisan pa lang ang mga estudyante. May mga nakatambay, kumakain, naghaharutan o 'di kaya'y mga papasok pa lang sa mga classroom nila.
Pumunta ako sa mga bleachers para magwalis. Nasa pangalawang step ako sa ibaba nang may dumaang lalaki sa gilid ko.
"Nagpabango ka?"
Napahinto ako at lumingon sa likod.
"Ha?"
Napakurap ako nang makita si Gunther na nakalingon sa akin. Siya pala 'yung dumaan.
"A-Ah...o-oo." Napahimas ako sa batok, hindi makatingin.
Talaga bang gano'n ka catchy 'yung perfume na binili ko? Halos lahat nalang tinatanong kung pabango ko ba 'yon.
Tinitigan ako nang matagal ni Gunther bago siya muling naglakad paalis. Sinundan ko siya ng tingin.
What's so wrong with my perfume?
Bumuntong hininga ako.
My day went on as usual. Hindi ako mapakali dahil sa mga nakikita kong preparation sa nalalapit nang graduation ng seniors. Kanina lang may toga fitting and photoshoots na sila at 'yung ibang seniors, nagpapractice na ng graduation songs.
I should be happy because they will finally graduate, but I feel so down instead. Dahil hindi ko na makikita si Gunther. Maybe we can still chat and call, but to see him everyday is another thing. He's my daily dose of happiness, and without him, I don't think I could be as lively as I am whenever I see him.
Sinulyapan ko sina Gunther at Francine na magkausap sa isang bench. Nakahalukipkip si Gunther at nakabuka ang mga hita habang nakatitig sa lupa samantalang nakapandekwatrong pambabae naman si Francine at nakahalukipkip din, nakangisi sa akin. I was on the bleachers, though. And I can see them clearly from here.
"Bagay," komento ni Mimi na umupo sa tabi ko, may dalang meryenda.
"Wag ka nga d'yan. Sasamain ka sa akin," nakangusong sabi ko habang nakatitig sa dalawa.
Natawa si Mimi at in-offer-an ako ng siomai. Hindi ko siya pinansin.
"Mabuti pa ang seniors 'no? Malapit nang grumaduate. Konting kembot na lang, college na sila," pagkwento niya habang nakatingin din kina Gunther.
![](https://img.wattpad.com/cover/288699797-288-k9401.jpg)
BINABASA MO ANG
Termination of Desire
RomansWhen it comes to her overweight figure, Frances Dominique Villarosa has never felt confident. She was never popular at her school and was frequently the target of bullying. She had lost all faith in love up until she meets Gunther Frawley Esquivel...