Kabanata 11

192 8 0
                                        


Humikab ako at patuloy na tamad na nagsusulat sa desk ko. Palagi kasi akong puyat kahihintay ng message ni Gunther pero hindi na ulit siya nagchat.

It's been three days, and our school fest is over. Our school won for having the best players. Hindi na nakapagtataka. School fest is over, vacation over na rin. Back to reality na naman.

I checked my phone. Okay naman, gumagana. Kinalabit ko si Mimi who's busy reading.

"I-chat mo nga ako dali."

She sighed. "Para kang tanga, France."

"Dali na, bessy!" mariing bulong ko habang nakatalikod pa ang teacher namin.

"Ina talaga neto," bulong bulong niya bago nilabas ang phone.

Minanipula niya 'yon at maya-maya'y dumating na ang message niya. Dumating agad.

Mimi:
Fuck U

Sinamaan ko siya ng tingin bago pagod na bumuntong hininga.

Bakit kaya siya hindi nagrereply? Imposibleng busy. Tapos na ang school fest!

Nagpatuloy ang araw na nababagot ako. Kahit no'ng P.E namin parang ayaw kong gumalaw.

"Frances! Ano bang ginagawa mo pa d'yan?!" sigaw ng PE teacher namin at saka pumito.

Nasa bleachers lang kasi ako at magmumukmok.

"Hindi na makagalaw sa bigat, Sir!"

Nagtawanan sila sa banat ni Jemry.

"Pag gumalaw 'yan lindol agad."

Umugong lalo ang tawanan.

Ngumuso ako at unti-unting tumayo at lumapit.

"Okay! Let's play dodge ball! Dati pa rin. Team A versus Team B!" muling sigaw ng teacher na may hawak na bola.

"Stretching! Ready!"

Bumuntong hininga ako.

Nagstretching kami bago magsimula. Hindi maayos ang laro ko kaya lagi akong na-a-out. Samahan pa na ako ang pinakamalaking tao kaya madali lang akong matamaan at dahil sa bigat ko nga ay mabagal din akong gumalaw. Ending, lagi kaming talo.

"Si tabs!" sigaw ng kalabang team.

Ngumisi si Mike at sinubukan akong batuhin pero nakaiwas ako.

Ayoko na. Masakit na. Namimihasa na kayo.

Nagpatuloy ang laro na nakakabawi na kami. Ayoko sanang maglaro pero masakit na ang katawan ko sa pambabato nila. Ang unfair din kasi. 'Pag sa akin malakas, pero sa ibang babae ang hihina.

Tangina.

"Frances!" sigaw ni Mimi.

Humarap ako pero huli na. Nasapul na ng mukha ko ang bola.

May mga napatili pero mas maraming tumawa. Pumito si Mr. Solis, ang P.E teacher.

Napadaing ako nang bahagya bago bumulusok patihaya sa damuhan.

Tangina ang sakit!

Napapikit ako at hinawakan ang ilong ko. Naramdaman kong may likido kaya alam ko na agad na dumudugo 'yon.

"Si babsie, may AFAM! Nag no-nose bleed e!" asar ng isang lalaki.

"Knock down! Yeah!"

Nagtawanan sila.

"Ayos ka lang?" boses ni Mimi ang narinig ko at ang pagdalo niya.

Tumango ako kahit masakit.

"Wait lang. Kukuha ako ng gamot sa infirmary!" aniya bago patakbong umalis.

Termination of DesireMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon