"Ano'ng sabi ko sa 'yo?"
Ngumuso ako habang umiinom ng banana milk.
"Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na 'wag mo nang itutuloy 'yan?" panenermon ni Mimi. "Pinagsabihan na kita pero ginawa mo pa rin. Ngayon tatambay ka dito sa trabaho ko dahil ang dungis mo at basang basa. Ayaw mong umuwi dahil natatakot kang malaman ng daddy mo ang nangyaring pambubully na naman sa 'yo."
"Mimi naman..." Kanda haba ng nguso ko at tumingin sa kanya.
Nakapamaywang siya sa gilid ko habang hawak ang mop. Nasa labas kami ng convenience store, alas siete pasado na ng gabi.
"Wag mo na akong sermonan. Kita mo na ngang kawawa na nga 'ko e."
"E ang tigas naman kasi ng ulo mo, France! Pinagsabihan na kita. Pinagbantaan pa kita pero dahil ang bobo mo masiyado, ginawa mo pa rin!" halos sumigaw siya sa inis. "Ngayon, magpapakita ka sa akin na ganyan ka?! Sino'ng 'di maiinis at magagalit, France ha?"
"Bessy naman.... sorry na."
Marahas siyang bumuga ng hangin. "Ang tigas tigas kasi ng ulo mo e! Tapos ngayon ngangawa-ngawa ka! Masiyado kang nagpapabulag sa mga gwapo gwapo! Ano bang maibibigay niyan sa 'yo, ha? Sakit at sama ng loob lang naman!"
Ngumuso lalo ako. Hindi ko alam kung mas okay na pinili kong pumunta dito kesa umuwi. Alam kong sesermonan din ako ng parents ko sa bahay pero mas matinding panenermon pala ang aabutin ko dito.
"Confess confess," panunuya niya at umismid. "Hayaan mo kasing lalaki ang lumapit at manligaw sa 'yo. Hindi 'yung ikaw ang manliligaw sa lalaki!"
Yumuko ako.
"Kailan pa kaya 'yon," bulong ko at ngumuso.
"Sixteen palang tayo, France. Baka nakalimutan mo? Marami pang chances na makakilala ka ng lalaki. Hindi natin kailangan 'yan ngayon. Jusko!"
Hindi na ako nagsalita dahil parang rifle na ang bibig niya. Patuloy na uminom na lang ako ng paborito kong banana milk. Nakakatatlo na yata ako.
"Pinagsabihan na kita ngayon. Baka bukas iba na naman ang crush mo?" sarkastikong banat niya. "Ganyan ka naman kasi e. Sa haba ng ng ina-advice ko sa 'yo, wala kang pinapakinggan."
"Oo na, oo na. Ang sakit kaya ma-reject. Hindi ko na kakayanin ang isa pa."
"Aba, dapat lang 'no?! Sasapakin na talaga kita 'pag humirit ka pa."
Ngumuso ako. Katahimikan ang saglit na namayani sa pagitan namin hanggang sa bumuntong hininga siya. Maya-maya'y naramdaman kong may padarag na pumatong na tela sa ulo ko. Nahinto ako.
"Umuwi ka na. Baka magkasakit ka 'pag nagstay ka pa nang matagal dito sa labas," ani Mimi at agad pumasok sa loob.
Napangiti ako at tumingin sa kanya. Iritado siyang nag ayos sa may counter. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin at napansin ang face towel na nilagay niya sa ulo ko.
Whenever I have a bad day, Mimi's always there for me. And I'm so grateful I have her. I can feel that she's just worried. Masakit man siyang magsalita minsan pero alam kong concern lang siya sa akin. At ipinagpapasalamat ko 'yon.
That day was depressing. Halos ayaw kong bumangon sa kama kinaumagahan dahil sa sobrang kahihiyan. Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang ginawa nina Helen sa akin, even the other students. At natatakot na akong pumasok dahil do'n.
"Frances, anak. Time for school. Ba't nakahiga ka pa?"
Sinulyapan ko lang si dad na dumungaw sa pintuan ko. He's neat and fresh; so prepared to go to his office.
BINABASA MO ANG
Termination of Desire
Roman d'amourWhen it comes to her overweight figure, Frances Dominique Villarosa has never felt confident. She was never popular at her school and was frequently the target of bullying. She had lost all faith in love up until she meets Gunther Frawley Esquivel...