Frawley.
Message • Following •••
13.2k followers
3 followingPost • About • Videos • Photos
Details
Profile •Digital creator
•••See Frawley's About infoNatutop ko ang bibig habang pinagmamasdan ang fb ni Gunther. I can't believe he has thirteen thousand followers! Saan galing 'yon?!
At sino naman kaya 'yung tatlo na fi-no-llow niya lang?
I checked my notifications. Ni isa wala. Ngumuso ako nang matantong hindi niya ako fi-no-llow back. Kahit na ang ganda na ng dp ko. Maybe he thinks I'm just one of the thousands ladies who admire him so much. Or crazy about him.
I won't deny that I'm attracted to him. But I'm not that crazy yet. I'm not really smitten with him and swooning over him so much.
Guwapo siya at natural lang na ma-attract ako sa kanya dahil babae ako. Ang hindi ko lang inasahan ay pagiging sobrang popular niya pala. And he carefully chooses who he wants to befriend or follow.
Oo nga naman, Frances. Hindi naman kayo close. Ano'ng inaasahan mo? Syempre matic na kabilang ka lang sa libo-libong followers niya.
I stalked his account. His dp is a candid photo of him in a football uniform. And he was incredibly hot because of his wet look. Para siyang modelo. No wonder he has that thousands of followers!
Nag scroll pa ako pababa at tinignan lahat ng posts niya. Kung hindi candid, aesthetic ang mga posts niya na umaabot lang naman ng 15k likes ang isa at 2k shares. That's how popular he is at our school and I guess even to other schools.
"Psst! Piggy!"
Natigil ako sa paglalakad at nag angat ng tingin sa sumisitsit sa akin. Nasa gilid ko na pala ang grupo ni Helen na mukhang kanina pa ako inaabangan at malalampasan ko na sana.
Nakahalukipkip silang lima sa akin.
"Nasa'n na ang snacks namin? Hindi ka nagdala sa room," kaswal na sambit ni Helen.
"Oo nga pala!" gulat na sabi ko at saka mabilis na tumakbo patungong canteen.
Nagtawanan agad sila.
Bumili ako ng snacks na lagi kong binibili. Niyakap ko ang mga 'yon sa braso ko dahil nagmamadali na ako. Lumipas na kasi ang snack break at lumabas lang ako para magbanyo. Hindi ko na naisip ang daily routine ko dahil sa kaka-stalk ko kay Gunther.
Nagmamadaling lumabas ako ng canteen at pupuntahan na sana sina Helen nang mahagip ng tingin ko si Mimi na nakatingin sa akin. Napahinto ako at tumitig sa kanya. Dismayado siyang umiling sa akin at saka naglakad paalis.
Narinig ko ang hagikgikan nina Helen habang sinusundan ko ng tingin si Mimi na nakayakap sa mga libro niya.
Mimi.
"Hoy, piggy? Ano na? Nagugutom na kami."
Hindi ko sila pinansin. Nanatili ang titig ko kay Mimi at biglang nalungkot. Naalala ko ang samahan namin at ang mga advice niya sa akin bago kami hindi na mag imikan. Namuo agad ang mga luha ko habang inaalala ang mga 'yon.
"Tanga ka ba tlaga ha? Frances? Pinaglalaruan ka lang ng mga 'yan! Bakit ba takot na takot ka?!"
Napatingin ako kina Helen na ngingisi-ngisi sa akin.
"Frances, nandito ka para mag aral! Hindi para magpakaalipin!"
Tama si Mimi. Nandito ako para mag aral dahil may pangarap ako. Hindi para maging aso ng kung sino-sino lang.
BINABASA MO ANG
Termination of Desire
RomanceWhen it comes to her overweight figure, Frances Dominique Villarosa has never felt confident. She was never popular at her school and was frequently the target of bullying. She had lost all faith in love up until she meets Gunther Frawley Esquivel...