Kabanata 1

112 3 0
                                    

"I gave a second chance to cu...pid! But now I'm left here feeling stu...pid! Oh, the way he makes me feel... that love isn't real! Cu...pid is so dumb!"🎶

"Hoy! Ano ba!"

Nagulat ako nang biglang bumagsak sa sahig 'yung headphones ko. Napatingin ako kay Francine na matalim ang tingin sa akin.

"Ang ingay-ingay mo! Magigiba na 'yung bahay sa kakasayaw mo d'yan! Feeling mo bagay mo naman maging idol!"

Lumabi ako at tumingin sa headphones ko na regalo pa sa akin ni daddy no'ng nagsixteen ako.

"Darating friends ko, ha! 'Wag kang lalabas ng kwarto mo! At 'wag kang maingay! My God! Kasuka ka!" aniya bago lumabas at pabagsak na sinarado ang pinto.

Kinagat ko ang labi ko nang matagal bago bumuntong hininga.

Sabado ngayon at walang pasok. Gaya ng madalas na utos ni Francine sa akin tuwing darating ang friends niya, nagtatago ako sa kwarto ko hanggang makauwi sila.

Ayaw niyang makita nila ako o malaman nilang magkapatid kami. Kahit na nasa bahay pa.

Imbes na magmukmok, inabala ko na lang ang sarili sa pagcecellphone. Maya maya'y naisipan kong magselfie.

Kinuha ko ang phone ko at itinaas. Malawak pa ang ngiti ko habang nag iisip ng caption at dapat i-popost sa FB ang selfie pero napanis 'yon nang matantong baka ulanin lang 'yon ng tukso o 'di kaya'y wala man lang maglike. Binura ko ang litrato ko at naisip na matulog na lang.

That's how my every weekend goes. Mahilig akong kumanta at sumayaw pero kahit pa 'yon hindi ko magawa sa bahay.

Linggo nang puntahan ko si Mimi sa convenience store. May hawak siyang libro habang nagma-mop.

"Oo na. Hindi na kita tatalunin. 'Wag kang mag aalala," pang aasar ko habang kumakain ng sandwich.

"Tanga. Malapit na exam. Scholarship na lang pag-asa ko para makapagcollege," aniya nang 'di tumitingin.

"Saan ka ba mag-aaral?"

"PSU lang din. Lalayo pa ba ako?"

"E 'di doon na tayo."

Nilingon niya ako ng isang beses.

"Magreview ka na kung gusto mong sabay tayo magcollege."

"Mamaya na. May gabi pa naman e."

"E 'di wow. Ikaw na maraming time."

Natawa ako.

"Baka masobrahan mo, bessy. Mabaliw ka pa."

"Ikaw ang 'wag sumobra sa pagkain. Uso ang diet, France."

"Yan ang pinakamahirap gawin, Mimi. Mag aaral na lang ako magdamag kesa tipirin ang sarili ko sa pagkain."

"Sabagay, marami ka namang pambili e. Pero 'pag 'yan naging sakit mo na, hay...ewan ko na lang."

Kumatok ako sa mesa.

"Gaga ka. 'Wag naman uy!"

Tumunog ang chimney, senyales na may pumasok.

"Good morning, Sir!" bati ni Mimi sabay tingin sa customer.

Napahinto ako sa pagnguya at kinuha ang isang malaking chichirya na nasa table ko upang ipantakip sa mukha.

Si Johan 'yung pumasok! 'Yung crush ko!

Ibinaba ko nang kaunti 'yong hawak na chichirya upang sundan siya ng tingin. Dumiretso siya sa refreshments at kumuha ng tubig.

Namula ako nang mapansing ang guwapo niya sa suot niyang jersey na may tights. Malamang nagpapraktis sa may basketball court sa plaza. At  hindi nakabawas ang pawisan niyang katawan sa taglay niyang kagwapuhan. Matangkad, maputi at chinito.

Termination of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon