Kabanata 12

76 4 0
                                    


"Invite him to a lunch."

Iritadong lumingon si Francine sa akin at saka humalukipkip.

"Are you fucking kidding me?"

"That's the only way to talk to him, Francine. Maglunch kayong dalawa at mag usap."

"And what will I tell him, huh? I'll tell him to date me?" Kunot na kunot ang noo niya.

"No. Hindi naman sa gano'n. Just casual. Just casually invite him to a lunch and...talk anything under the sun. Kahit ano. And if you could, you could explain to him about Clay and sort. Basta papunta do'n sa topic na 'yon."

She raised an eyebrow.

"Now, you're demanding."

I pouted.

"E hindi ba nagtatanong ka? And you told me na...you have talked it out with Clay."

"Yes, and hindi dapat siya papayag if I didn't convince him so hard! So, make sure it will not cause any trouble to us."

I nodded and licked my lips. "Yes, I know."

She rolled her eyes and walked out. Sinundan ko siya ng tingin at bumuntong hininga.

Maaga akong pumasok. Kaunti palang ang mga estudyante no'ng naglalakad ako sa eskwelahan. Kabado ako at the same time excited sa mga mangyayari ngayong araw. I don't know if this is the best idea but I had no other choice but to push it. Graduating na kasi si Gunther this year at buwan na lang ang bibilangin bago niya lisanin ang eskwelahang ito.

And of course I don't want to lose my chance. Not that I expect so much that he'll like me. I just want to know if there's a chance. I just want to feel what it feels like to be liked by someone. Kahit sa chat lang. Kahit online lang. O kahit na...magpanggap ako bilang iba.

I know it's wrong and ridiculous, but our conversation has deeply penetrated me. Our late-night talks and chats. And how we tell stories with each other about random stuff—I am used to it already. I don't want to end it because it makes me happy. It makes me feel liked and cared for.

"Alam mo, parang kang tanga," komento ni Mimi na nakahalukipkip sa gilid ko.

"Shhh!" saway ko sa kanya.

"Last time na nasa ganito na naman tayo ay no'ng tinitignan mo si Johan. Ngayon naman si Gunther at Francine. Hindi ka na talaga nadadala e 'no?"

"Manahimik ka nga bes!" mariing bulong ko. "Gusto ko lang malaman kung nagwowork ba."

Sumilip ako sa canteen kung nasaan sina Gunther at Francine na magkasamang nagla-lunch. Nasa pinakagilid sila malapit sa aircon, sa pangdalawahang upuan at naka-isolate. Hindi ko alam kung paano na-convince ni Francine si Gunther na maglunch sila pero mukhang successful ang unang plano.

"Ewan ko sa 'yo. Kung sino-sino na dinadamay mo. Mas kilala ko pa 'yang maldita mong kapatid e. 'Pag d'yan sumabit sabit ka d'yan, malilintikan ka talaga nang husto!"

Hinawi ko siya nang 'di tumitingin.

"Hindi 'yan! Minsan lang naman 'to e."

Kumunot ang noo ko nang mapansing parang walang interaction ang dalawa. Patuloy lang na kumakain si Gunther samantalang si Francine naman ay tamad na nakahilig sa backrest ng upuan niya at nagcecellphone.

Tinignan ko ang plato niya. Mukhang tapos na siya kumain pero may natirang kaunti.

Maya-maya'y nag angat ng tingin si Francine at saka nagsalita, parang sumagot. Hindi ko masiyadong makita ang mukha ni Gunther dahil nakatalikod siya sa amin pero base sa galaw nila, mukhang nag uusap.

Termination of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon