"What the fuck?"The first word he uttered.
Namula ako sa hiya at agad pinunasan ang noo niya gamit ang panyo ko na taranta ko pang kinuha sa bulsa.
"Sorry, sorry!" tarantang saad ko at nilinis nang mabuti ang makinis niyang noo na ngayo'y nakakunot na.
Matalim na rin ang tingin niya sa akin. I don't know kung gano'n lang siyang tumingin dahil nga singkit o talagang nababadtrip na siya sa kapalpakan ko.
"Pasensya na..." mahinang saad ko sabay sulyap sa mga mata niya na nakatingin din sa akin.
Wala akong masiyadong alam kay Gunther bukod sa popular siya dahil star player ng football. Sa sobrang galing niya sa sports na 'yon, hinahangaan siya ng halos lahat ng babae. Kapag dumadaan ako sa open field papunta sa covered court, nakikita kong palagi siyang tinitilian.
Matangkad, tamang built ng katawan, guwapo at mestizo. Pero ang lubos mong kahahangaan sa kanya ay ang singkit na singkit niyang mga mata at magandang hugis ng panga. Samahan pa ng patusok niyang hikaw sa kanang tainga at hikaw rin sa dila.
"What are you still doing? Can you leave out of my sight now?" mahina ngunit seryosong tinig niya na pumukaw sa akin.
Napakurap kurap ako dahil masiyado na yata akong nahumaling sa gwapo niyang mukha.
"S-Sorry..."
Tumayo agad ako at umatras hanggang sa tumalikod na ako at tumakbo paalis. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan nang mapansin kong hindi ko na hawak ang panyo ko. Huminto ako at naisip na balikan 'yon pero nahihiya na akong kunin. Nagpatuloy na lang ako sa pagbaba.
"Sa'n ba kasi 'yon galing?! Hays!" Marahas akong napakamot sa leeg habang naglalakad nang mabilis.
Hindi ko tuloy naituloy 'yung balak kong...
Bumuntong hininga ako at binagalan ang paglalakad. Tumitig ako sa lupa.
Lord, kung ayaw mo akong kunin, hanggang kailan ko pa dadanasin 'to ngayon?
Sana naman bigyan mo ako ng rason para magpatuloy.
Pagod na pagod akong umuwi sa bahay. Bukod sa hindi ako tinantanan nina Helen, marami rin akong hinabol na projects na hindi ko pa nagawa.
Pagod ako at gusto kong matulog nang maaga pero hindi ko magawa dahil naiisip ko ang nangyari sa rooftop.
I don't know why I suddenly think of him. Si Gunther Esquivel. How he looked at me. I'm sure there's something in his gaze that I can't figure out. Marami na akong naka eye to eye na lalaki pero iba 'yung kanya e. I don't know. It's hard to explain.
I smiled unconsciously when I remember his strikingly handsome face. Ang guwapo niya.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table at saka inopen ang fb. I searched for his name but it didn't appear. Napaisip ako nang matanto na baka hindi real name niya ang ginagamit niya.
I searched for other names like Gunther, G Esquivel, Rehtnug Leviuqse, Guntz, Football monster, Mr. Gwapo, Ther, GUN THER, and so on pero wala. Hindi ko mahanap!
I'm sure he's using Facebook! Palaging pinag uusapan ang mga post niya diumano. Hindi ko lang pinapansin dahil baliw na baliw ako kay Johan!
"Ugh! Ano ba kasi 'yon?!" inis nang sigaw ko at nagtakip ng unan.
Nawalan na ako ng pag-asa nang bigla akong mapamulat.
Si Francine!
Bumalikwas ako ng bangon at paa-paang dumiretso sa kwarto ni Francine.
BINABASA MO ANG
Termination of Desire
DragosteWhen it comes to her overweight figure, Frances Dominique Villarosa has never felt confident. She was never popular at her school and was frequently the target of bullying. She had lost all faith in love up until she meets Gunther Frawley Esquivel...