Nakangiti kong tinitigan ang picture na si-nend ni Gunther sa akin. Ito 'yung si-nend niya no'ng isang araw, no'ng nasa café siya.
"Ang guwapo niya talaga..."
Kahit na half lang ang ipinakita niya sa mukha. Ang porma niya manamit at mukhang mabango lagi.
"Yung assigned task mo, natapos mo na?"
Tinabihan ako ni Mimi sa bleachers. Sinulyapan ko lang siya saglit bago ngumisi sa harap ng screen.
"Oo, tapos ko na."
Nagsimula na kasi ang sports fest at binigyan kami ng teacher ng individual tasks. Wala kaming klase ng isang linggo para bigyang daan ang yearly sports festival.
"Sus, ikaw gumawa?" nanghihinalang tanong niya.
"Oo naman! Nagdistribute ako ng wrist bands at bottled water kanina." Nasa screen ang mga mata ko kaya dinungaw niya ang tinitignan ko.
"Jusko! Gunther na naman." Nagbuklat siya ng aklat at nagbasa.
"Jusko! Aral na naman!" balik na asar ko.
Natawa kami pareho.
"At least dito, may makukuha ako. Tataas ang grades ko. E d'yan? Ano'ng makukuha mo d'yan aber?"
"Inspirasyon s'yempre! 'Pag inspired ako, tataas din grades ko! Hah! Ikaw lang ba?"
Umiling iling siya.
"Ang dami mong p'wedeng gawing inspirasyon, France. Tulad ng pangarap mo. Hindi lang lalaki ang p'wedeng maging inspirasyon."
"My god! Ang bitter mo. Bawal ba magkacrush?!"
"Sa crush crush na 'yan ka napapahamak."
"Exactly, Mimi. Ako ang napapahamak. Kaya don't worry, labas ka dito." Ngumisi ako nang matamis.
"Pero 'pag umiyak ka, sa akin ka babagsak?" Umiling siya. "Walang kwenta mga advice ko sa 'yo kasi hindi ka marunong makinig. Marupok ka."
Matunog akong ngumisi at sumulyap sa kanya. "Handa ka namang makinig palagi sa akin e, bessy. At saka minsan lang tayo maging teen. Kaya enjoy-in na natin."
Naglipat siya ng pahina.
"Bahala ka."
Nag message ako kay Gunther.
Me:
Good luck! :)
Hindi ko na inasahang magrereply siya dahil alam kong busy siya ngayon sa laro. But at least I remembered to give him encouragement.
"Nood tayo mamaya ng football ha?" aya ko kay Mimi.
Umirap lang siya sa akin pero alam kong sasama lang din siya.
Nanood ako first game ni Gunther and as expected nanalo sila. Worth it lahat ng pagchi-cheer ko sa kanya kahit na hindi na halos marinig dahil sa dami ng nagchi-cheer sa kanila.
Me:
Ang galing mo!
I was about to send it when I bumped into someone unexpectedly.
"Ay sorry!" utas ko at tinignan ang taong nabunggo ko.
Napatingala ako sa kanya dahil sa tangkad niya at namilog agad ang mga mata nang makita si Gunther!
Naitago ko nang maibilis ang phone ko sa likod. Bagaman pawisan at itim na T-shirt na ang suot niya at may duffel bag sa balikat, umalingasaw pa rin ang bango niya. And he really looks hot with his wet hair! He's damn hot as hell!
"S-Sorry!" tigagal na sambit ko.
Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. Hindi siya nagsalita. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nagtititigan kami. Nanginginig din ang mga kamay ko sa likod.
BINABASA MO ANG
Termination of Desire
RomanceWhen it comes to her overweight figure, Frances Dominique Villarosa has never felt confident. She was never popular at her school and was frequently the target of bullying. She had lost all faith in love up until she meets Gunther Frawley Esquivel...
