Linggo ng gabi nang pumunta ako sa bahay nina Mimi upang magpaturo sa nanay niya na magbake. Baker kasi ito sa isang cake shop sa palengke.
"Dry ingredients muna," malumanay na sabi ni Aling Rosie habang gi-na-guide ako.
Napangiti ako habang naghahalo.
"Mimi, kunin mo na 'yung butter at asukal," utos niya ulit sa anak.
Halos umirap si Mimi, hindi dahil sa inutusan siya kundi dahil sa ideya ko. Balak ko na kasing magconfess kay Johan bukas at naisip kong i-bake siya ng cake. At itong si Mimi sobrang against sa plano ko. Aniya papalpak lang din daw at sayang lang ang effort ko.
It's okay though. I just want to do this, even once in my life.
"Heto anak, gamitin mo 'tong electric mixer para paghaluin 'yung butter at asukal," banayad na utos sa akin ni Aling Rosie.
Ngumiti ako sa kanya. How I wish I had a mother like her. Malambing at malumanay makipag usap. Mimi's so lucky to have her.
"Bakit hindi ka sa mommy mo magpaturo, 'nak? Magagabihan ka na naman sa pag-uwi mo neto."
Maliit akong ngumiti.
"Hindi po marunong magbake ang mommy ko," sabi ko na lang kahit na hindi naman talaga 'yon ang totoong rason.
Mom and I were never close. Siguro no'ng bata pa ako, oo. No'ng...cute pa ako sa paningin niya. No'ng...kinagigiliwan pa ako ng mga kaibigan niya at kakilala. Pero habang lumalaki ay siya namang paglaki rin ng agwat ng distansya naming dalawa.
I was trying to reach out for her but she kept on drifting apart. She became cold. She cared less for me. And she began to like my sister more.
Kung mag uusap man kami, tungkol lang sa school at wala nang iba pa. Hindi na rin niya ako ipinagmamalaki o ikukwento sa mga kumare niya. All she cares is about my sister. My sister, who joins beauty pageants and wins. My sister, who consistently becomes the muse of our town. My sister, who also happens to be greatly admired by boys. Palagi 'yong ipinagmamalaki ni mommy. But I never once heard anything about me.
Kahit na palagi akong nananalo sa quiz bee, nakakatapos ng marathon, nakakaperfect sa exams, at nagiging representative ng school pagdating sa academics competitions. She never mentioned it to anyone. Tanging si dad lang ang nagmamalaki sa akin sa mga kaibigan niya. Although sometimes I feel like I humiliate him because of my fat figure.
"Gano'n ba? Career woman pala ang mommy mo ano?" Magaan na ngumiti si Aling Rosie sa akin.
"Opo," tanging sagot ko na may maliit na ngiti.
Nagkatinginan kami ni Mimi. Tingin palang niya alam na niyang nagsisinungaling ako. Totoo namang career woman ang mommy, ayoko lang sabihin na hindi kami close ng mommy ko.
Nagpatuloy kami sa pagbebeyk hanggang sa matapos ko ang isang red velvet cake. Maliit lang 'yon at saktong pang isang tao kaya naman tuwang tuwa ako.
"Ang ganda!" Napapalakpak ako. "Pang insta! Mader!"
"Tikman mo muna kaya kung masarap," si Mimi na nakaismid.
"Wag na! Sisirain mo lang e," angal ko.
"Aanhin mo ang ganda kung hindi naman masarap? Ano 'yan pang display lang?"
Ngumuso ako. "Masisira kasi e. Ang hirap kayang gawin 'yan."
Umirap si Mimi at saka bumulong bulong. "Masisira din naman 'yan e. De mas maiigi nang matikman bago masira."
"Bessy naman!" sigaw ko at sinamaan siya ng tingin. "Ang nega mo!"
"Sa true lang, bes."
"Hay nako kayo. 'Wag na kayong magtalo d'yan. 'Wag kang mag aalala, Mimi. Masarap 'yang gawa ni Frances. Ginawa niya nang buong puso." Nanunuksong tumingin si Aling Rosie sa akin.
BINABASA MO ANG
Termination of Desire
RomanceWhen it comes to her overweight figure, Frances Dominique Villarosa has never felt confident. She was never popular at her school and was frequently the target of bullying. She had lost all faith in love up until she meets Gunther Frawley Esquivel...
