Simula

217 3 1
                                    

"Ang cute!"

"Ang taba-taba naman ng anak mo, mare!"

"Sarap panggigilan ang pisngi e 'no?!"

"Ganda-ganda naman ng bata na 'yan!"

"Naku! Ang cute-cute naman talaga! Iuwi na lang kita gusto mo?!"

Hindi ko alam na sa umpisa lang pala masarap pakinggan ang mga litanyang 'yan ng mga tao. Sa umpisa lang. Sa pagiging bata lang. E kasi kahit sino naman, talagang matutuwa 'pag nakakakita ng cute at chubby na bata. Nasa iyo lahat ng atensyon, lagi kang pinag uusapan at pinupuri. Gusto ka ng lahat. At nakakatuwang isipin 'yon.

Sa umpisa, masarap pakinggan. At dahil nagustuhan ko na, ang akala ko kapag tinuloy tuloy ko, tuloy-tuloy din ang papuri at atensyong matatamo ko. Hindi pala. Dahil habang lumalaki at lalong tumataba, unti-unti na ring naglalaho ang lahat. The spotlight suddenly gets dimmed until my world turned pitch black.

No more attention. No more compliments. No more likes. Just hate, body shaming and discrimination. And I hate that fact. Dahil habang tumatanda ako, iba-iba na ang naririnig ko.

"Taba! Taba!"

"Hoy baboy!"

"Nand'yan na si damulag!"

"Hoy 'wag kang tatakbo, taba! Lilindol!"

Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagustuhan ang naririnig ko gayong totoo naman ang sinasabi nila. Mataba ako. Hindi ako pangit pero mataba ako. Oo mataba ako pero nasasaktan ako 'pag tinatawag nila akong gano'n. Para kasing kakaiba ako. Tingin nila sa akin hindi normal. At nakakasakit ng damdamin ang kaugalian nilang 'yon.

When I was a child, I thought being fat was full of luck but as I grow up, I wanted to regret having that kind of belief.

"Chubs! Heto na notes mo! 'Wag kang sasabay sa akin tomorrow, ha? Remember our deal."

Tumingin lang ako kay Francine habang nagsusulat sa desk ko. Unlike me, she's slender. Pretty and slender. Everyone likes her. Magkamukha kami pero opposite kami ng pangangatawan.

Bumuntong hininga ako matapos titigan ang seksing katawan niya. Umirap siya sa akin at pinagbagsakan ako ng pinto. Napatingin naman ako sa nakabukas na chichirya sa tabi ko.

Hay...bakit ba kasi ang sarap kumain?

Grade ten na ako at kahit hindi man top 1 sa klase at least pangalawa naman. Marahil, oo, napapabayaan ko ang sarili ko sa kusina pero hindi ang pag aaral ko. May pangarap kasi ako at kahit ang pag aaral lang ang tamang magawa ko o maibigay sa parents ko kahit na medyo may kaya kami sa buhay.

I feel like if I excel in academics, my parents would be so proud of me. Hindi naman sa hindi ko nararamdaman na mas mahal nila ang kakambal ko, minsan kasi, kahit wala naman siyang nagagawa, nakangiti sa kanya ang parents namin. Pero pagdating 'pag tumingin sa akin, nalulusaw 'yon at nagiging matabang.

"Mommy, alis na po ako! Daddy!" Mabilis akong humalik sa pisngi nilang dalawa at kumaripas ng takbo.

Laging eksena tuwing papasok ng eskwelahan.

"Frances, sumabay ka na sa amin ng kapatid mo!" ani dad na nasa hapag pa.

Tumingin ako sa kanila. Nakita ko kung paano ako panlisikan ng mga mata ni Francine. Ngumiti ako sa kanila at kumaway.

"Hindi na po, daddy! Mas bet ko pong magcommute!" sigaw ko bago lumabas.

Aalma pa sana siya nang pigilan siya ni mommy. Masigla pa akong lumabas ng bahay pero pagod na bumuntong hininga nang tuluyan nang makalayo.

Termination of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon