Hi Gunther!Wed 8:03 p.m
Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang message na si-nend ko kay Gunther almost three days ago na. Three days na pero hanggang ngayon wala pang reply. Ni hindi niya si-neen.
Bumuntong hininga ako.
"Magreview ka na. Walang milagrong mangyayari," ani Mimi nang mapansin ang hitsura ko.
Nakapalumbaba kasi ako at nakatitig sa cellphone ko. Siya naman, nagsusulat na naman.
"Paano kaya niya ako mapapansin?" wala sa sariling sambit ko.
"Tss. Asa," pangongontra ni Mimi.
Matalim ko siyang sinulyapan. Umiling iling siya sa akin.
"Ganyan na ganyan mga linya mo kay Johan. Hindi ka pa rin nadadala?" aniya nang 'di tumitingin.
"Iba naman kasi si Gunther kay Johan, bes."
"Sus, ano'ng pinagkaiba nila? Pareho lang silang lalaki. At ang mga lalaki, landi lang ang alam. Heartbreaker mga 'yan. You taste it yourself."
Ngumuso ako.
"Grabe ka naman. Parang hindi naman lahat. Bakit nakilala mo na ba lahat ng lalaki sa mundo?" hamon ko.
"Tss." Umiling iling siya at hindi na nagsalita.
"Three days na, Gunther. Magparamdam ka naman. Kahit seen mode lang." Lumupaypay ako sa table.
"Baliw."
Lumipas ang isang linggo na walang reply si Gunther. Bagsak ang balikat ko do'n. E sino nga ba naman ako para pansinin 'di ba? I'm just a nobody.
Gano'n ba talaga siya? Nagsawa na sa magaganda? Maganda si Francine pero snob lang?
"Aray!"
Bumulusok na naman ako sa semento nang mapatid. Napatingin ako sa gumawa. Grupo na naman ni Helen.
Jusko. Hindi ba nagsasawa 'tong babaeng 'to?
"Watch out for another wave of punishment, piggy," ani Helen bago nag walk out.
Patay.
Bumuntong hininga ako.
Hindi nga ako tinigilan ng grupo niya sa pambubully. Parang mas lumala pa dahil sa pagkapahiya niya sa akin. Siguro inisip niyang napahiya ko siya dahil hindi ako masiyadong naapektuhan ng pambabablack mail niya. Kaya siguro gumaganti siya ngayon.
"Tangina ayaw niyong tumigil?!" sigaw ni Mimi habang tinutulungan akong tumayo.
Napaatras sila ng bahagya dahil sa matapang at galit na boses nito. Tinignan ko ang basang basa na damit ko.
"Irereport ko kayong lahat! Makikita niyo!" ani Mimi bago ako hinila paalis.
True enough, she reported them. Ang sabi naman ng principal, aaksyunan daw nila ito agad pero parang ayaw kong maniwala. Muntik pang makipag away si Mimi sa kanila dahil parang ayaw din nilang maniwala. Sinasabi nilang away bata lang daw lahat at normal lang 'yon.
Humupa nang kaonti ang pambubully sa akin dahil ipinatawag sina Helen sa guidance. Paglabas nila, ang tatalim na ng tingin nila sa akin. At kahit sa paglipas ng mga araw, wala silang magawa kundi sulyapan ako gamit ang matatalas na tingin.
Messenger•now
Frawley.
1 new messageNagulat ako nang tumunog ang messenger ko at ito ang nakita ko.
"Shet." Natulala ako sa chat head na nag pop up.
"Tangina sheeeet! Totoo ba?!" Natutop ko ang bibig.
"Problema mo?" kunot noong tanong ni Mimi sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
Termination of Desire
RomansaWhen it comes to her overweight figure, Frances Dominique Villarosa has never felt confident. She was never popular at her school and was frequently the target of bullying. She had lost all faith in love up until she meets Gunther Frawley Esquivel...