Chapter 3

135 3 0
                                    

November 8

"Girls, okay na ba kayo rito?"

"Yes, Kuya," sagot ko sa tanong ni Kuya Davis. "Mahihirapan ka pa kung sa loob mo pa kami ihahatid. Besides, nasa may gate naman na tayo, oh," dagdag ko bago bahagyang natawa

"Oo nga, Kuya. Di na kami bata, 'no," sabat ni Daphnie habang nag-aayos siya ng buhok. "Baka magulat ka na nga lang, may pamangkin ka na sa 'min."

Sabay kaming napalingon ni Kuya Davis kay Daphnie. Salubong ang kilay ni Kuya habang ako naman ay nanlalaki ang mata.

"Daphnie!" pasigaw na tawag ko pa sa kaniya.

Doon lang siya natauhan at na-realize ang sinabi niya. Pilit siyang ngumiti at sinabayan pa ng pekeng tawa as she looks at Kuya Davis na fully nakalingon sa amin dito sa backseat ng sasakyan.

"Joke lang, Kuya! Di ka naman mabiro!" ani Daphnie habang pilit na tumatawa, trying to convince Kuya Davis na biro lang 'yon.

Hindi umimik si Kuya Davis at nanatiling masama ang tingin sa amin. Sa amin! Nadamay tuloy ako! Baka makarating pa kila Mom yung pangit na joke ni Daphnie. Nako, Daphnie makukurot kita sa singgit!

"Bilisan mo na, baba na tayo. Hinihintay na tayo nila Lily," biglang anyaya ni Daphnie at mabilis na lumabas ng sasakyan ni Kuya Davis.

Napabuntonghininga na lang ako bago lumingon kay Kuya and gave him an assuring smile. "Don't worry, Kuya. That won't happen. Pareho nga kaming walang boyfriend, e." I laughed, trying to lighten up his mood.

Nauwi sa ngiwi ang ngiti ko nang makitang masama pa rin ang tingin ni Kuya sa akin. "Hehe, baba na ako, Kuya. Baka iwan ako ni Daphnie. Ingat ka po." Bilis bilis akong bumaba ng sasakyan.

Agad kong nakita sila Millison at Lily na naghihintay sa may gilid ng main gate. Kumakaway pa sila sa amin ni Daphnie. We were about to walk papunta sa gawi nila nang marinig kong ibinaba ni Kuya ang bintana sa side niya.

"Girls," tawag pa niya sa amin.

Mabilis kaming umikot paharap kay Kuya habang pilit na nakangiti dala ng kaba. "Po?"

"Ang mga bilin ko, ha," muling paalala niya. "No boys allowed sa unit niyo. Kapag kinulang allowance niyo, call me. Kapag may problema, call me. If you need anything, just call me."

"Wala ka bang pinagkakaabalahan sa buhay, Kuya? Dami mong time sa call, ah." Kaagad kong siniko si Daphnie nang magsalita siya.

Inunahan ko na si Kuya Davis na magsalita bago pa humaba ang talakayan na 'to. Tinatalakan na nga niya kami sa byahe kanina, hanggang dito talak pa rin. Di na natapos.

"Copy lahat ng bilin mo, Kuya. Kailangan na po naming pumasok sa loob, baka ma-late pa si Daphnie," I said bago pilit na ngumiti sa kaniya.

Wala nang nagawa si Kuya kundi hayaan kami na pumasok na. Agad naman kaming sinalubong ng tumatawang mukha nila Lily at Millison. Alam na agad nila na badtrip si Kuya. Si Daphnie kasi!

"Ano na namang ginawa mo?" tumatawang tanong ni Lily kay Daphnie, nang-aasar.

"Ako kaagad?" inis na tanong ng pinsan ko habang nakaturo pa sa sarili niya.

"Oo, ikaw lang naman may lakas ng loob na sagutin at asarin kuya mo, e," sabat ni Millison habang tumatawa.

Sumimangot lang si Daphnie kaya ako ang binalingan ng dalawang chismosa. "Sinabi ba naman niyang baka magulat na lang si Kuya na may pamangkin na siya sa aming dalawa. Parang tanga!" inis na pagke-kwento ko sa dalawa.

Malakas na tumawa sila Millison at Lily dahil sa sinabi ko at halos lahat ng nakakasalubong at nakakasabay namin maglakad sa pathway papasok ng university ay napapatingin na sa amin. Nakakahiya!

Missing Peace | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon