November 8
I groaned and moved a bit nang makaramdam ako ng bahagyang ngalay. I even stretch my arms dahil nangawit din ata dahil ginawa kong unan habang nakayuko sa lamesa.
I was about to yawn nang mapatingin ako sa tabi ko and caught Raiker staring at me. He's biting his lower lips pero bahagyang umaangat pa rin ang gilid ng labi niya.
"You're finally up," he said.
I nodded slowly and awkwardly. "Uh, yeah."
Napansin kong wala ng maingay sa paligid kaya tiningnan ko ang mga upuan sa harap namin. "Where's your friends?" tanong ko kay Raiker.
"Nakalabas na sila. Tapos na detention hours nila."
"Tayo, hindi pa ba tapos?"
"Hindi pa nga nagsisimula, pagtatapos na agad nasa isip mo."
"What?" I looked at him, confused.
He chuckled as he shook his head. "Nothing."
"Anong oras na ba? Ba't hindi pa rin tayo pinapalabas?"
Bahagya akong tumalikod para kunin ang bag ko sa kabilang gilid to get my phone at doon ko lang na-realize na nasa akin ang jacket ni Raiker. Nakapatong iyon sa balikat ko and maybe he lent it to me habang natutulog ako kanina because I'm wearing corset halter top.
I acted nothing happen. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag and turn it on. I'm not wearing any wristwatch today kaya sa cellphone ako titingin ng oras. At literal na nanlaki ang mata ko when I saw it's already past seven.
"Yap. It's late," Raiker spoke, at parang hinintay pa talaga niyang ako muna ang makakita kung anong oras na bago siya magsalita.
"Bawal pa rin ba tayo lumabas?"
Sumandal siya sa upuan niya habang nakaharap sa akin. "Pwede na, kanina pang six. But you were sleeping kaya hindi na muna kita ginising."
"What?! Dapat ginising mo na ako!" nagugulat na sabi ko. "Anyways, hindi na natin maibabalik ang past but we need to go. Makakahabol pa tayo sa class natin, hanggang 8:15 naman 'yon." 7:23 pa lang naman, baka papasukin pa kami ng prof. kung makakahabol kami kahit seven sharp ang start ng klase.
Raiker chuckled that made me confused. "Relax. Walang class, cancelled. Kaya hindi na rin kita ginising."
Kumalma ako nang bahagya at sumandal sa sandalan ng upuan ko before looking back at him. "Dapat ginising mo pa rin ako para nakauwi na tayo at hindi ka na naghintay nang matagal. Dapat nga umuwi ka na kanina noong pwede na pala tayo lumabas, gigisingin naman ako ng staff sa labas."
The side of his lips lifted, nagpipigil ngumiti. "Wala na yung staff sa labas, umuwi na."
Napaangat ang likod ko mula sa sandalan. "Ha? Edi tayo na lang nandito?"
"Yeah." He chuckled. "And besides, hindi naman ako nainip while you're sleeping. Masarap kang panoorin."
"As if." Kusang gumalaw ang mata ko at inirapan siya.
Kinuha ko na ang bag ko at tumayo. "Tara na nga."
Narinig ko pa siyang tumawa bago tumayo at sumunod sa akin palabas ng detention room. Wala ng tao sa detention office pero bukas pa ang ilaw. Hindi rin naman naka-lock kaya nakalabas kami kaagad, siguro ibinilin kami sa guard para hindi kami ma-lock sa loob.
Tahimik lang kaming dalawa ni Raiker as we walk through the hallways. Maliwanag ang loob ng building dahil sa mga ilaw kahit pa madilim na sa labas.
Wala na masyadong tao. Iilan-ilang estudyante na lang ang nakikita ko, maybe because it's late na rin at may tinatapos na lang ang mga nakikita ko dito.
BINABASA MO ANG
Missing Peace | COMPLETED
RomansaThey said, to love is people's nature. You can't rule love. You can't control it. You will love and be loved whether you want it or not. It just loves love. Sometimes, love will come at the most unexpected time. At times that you're not planning to...