Chapter 10

137 2 0
                                    

December 17

@RaiLyron

Camberlie

Are you busy tonight?

@CamsMaia_Ellwood

Not really. Y?

@RaiLyron

I was just thinking, maybe we could grab dinner tonight?

@CamsMaiaEllwood

U're asking me kung pwede tayong magdinner sa labas mamayang gabi?

@RaiLyron

Yeah. Free ka ba?

@CamsMaia_Ellwood

Bakit parang biglaan naman?

@RaiLyron

Just thought of it now.

But it's fine if you're busy. We can do it some other time.

@CamsMaiaEllwood

No.

Uh, I mean, yeah sure

See u later


Napabuntonghininga ako at pabagsak na humiga kasama ang cellphone ko sa kama ko na puno ng mga lumilipad kong damit. Kinakabahan ako at hindi mapakali dahil sa conversation namin ni Raiker kanina. Pero kung hindi ako mapakali, lalo naman ang mga kaibigan ko.

"Ano bang maganda?"

"Dress nga!"

"Bakit dress, dinner lang naman!"

"Malay mo sa restaurant mag dinner! Ayaw naman nating magmukhang basahan doon si Cams!"

"Malay mo sa tabi tabi lang sila kakain! Street foods gano'n!"

"Edi sana ang sinabi 'street foods' not 'dinner'!"

Nagkakagulo na silang tatlo at nagsisigawan habang pinagkakaguluhan ang closet ko. Mas excited pa sila sa akin at sila na ang namimili ng damit ko. And that explains kung bakit nakahiga na ako sa mga damit ko na nagkalat.

Umikot ako patagilid at nakapangalumbaba na nanood sa kanila. Para lang akong nanonood ng palabas. Yung nasa part na kung kailan bibihisan ng mga kikay na kaibigan ng bida ang nerd na bida. Though, hindi naman ako nerd at kayang kaya ko mamili ng damit, nag-volunteer nga lang talaga sila.

"Si Cams na lang tanungin natin," Millison suggested. Finally!

Humarap sila sa akin. "Dress..." Daphnie lifted the bunch of dresses she's holding.

"Or casual outfit?" tanong naman ni Millison as she lifts the bunch of outfits na hawak niya.

"Let's play safe," I said. "Let's go with a dress."

Daphnie squealed dahil siya ang nanalo. She even stick out her tongue para asarin si Millison.

Napairap na lang si Millison bago lumingon sa akin. "Any request?"

I shrugged. "Kayo na bahala."

And that fast, nag-apir at nagkasundo na kaagad sila Daphnie at Millison. Nagpatuloy sila sa pamimili ng dress ko. Habang ako nakahiga pa rin sa kama ko.

I'm lost. Parang ang bilis ng mga nangyari. Pero baka naman assuming lang ako. Ang sabi niya, 'dinner' daw kami sa labas not 'date'. May pagkakaiba naman doon, 'di ba? O pareho lang since pareho namang kakain sa labas? I'm hopeless!

Missing Peace | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon