December 10
"Cams, bilisan mo naman!"
Pabagsak kong isinarado ang pintuan ng passenger seat ng sasakyan ni Daphnie while looking for my phone inside my small bag. Nagmamadali na silang tatlo maglakad at sumusunod na lang ako.
"Wait lang!" I shouted. "Tatawagan ko lang si Raiker."
"Bakit? Magpapaalam ka?" Millison asked innocently at binagalan niya pa ang paglalakad para makasabay ako.
"Shunga, nandito na tayo ngayon ka pa magpapaalam!" sigaw na naman ng pinsan kong inaabuso ang boses niya.
"Hindi. Ipapaalam ko lang na nandito na tayo," sagot ko as I finally get my phone.
"Wow, ano 'yan jowa?" sarkastikong dagdag ni Daphnie.
"Kayo na ba?" Millison asked.
"Ang tanong, gusto ka ba?" mapang-asar na tanong pa ni Lily at sabay silang tumawa ni Daphnie. Nag-apir pa ang dalawang bruha.
"Grabe naman kayo!" nanlalaki ang mata na suway ko. Bumagal nang bahagya ang paglalakad nila kaya panalubong na lang kami.
"Nanghihingi lang ng update yung tao because he's worried," dagdag ko pa.
"He's worried, my ass!" Daphnie hissed.
"Concern lang naman si Raiker," depensa ko pa rin. I-cha-chat ko na lang si Raiker kaysa marinig niya pa ang mga sinasabi ng mga kaibigan ko kapag call.
"Kung concern talaga siya, sana sinamahan ka na lang niya," Daphnie pointed out. "Lalo na't you really want this kind of events, 'di ba? Music and people."
"Ang dami niyo agad sinabi, ang sabi ko lang naman ia-update ko si Raiker." I then pressed the send button para magsend na kay Raiker ang chat ko na nandito na kami.
"Tara na nga," anyaya ko pa sa tatlo at nanguna maglakad.
"Bakit, na-update mo na ba jowa mo?" mapang-asar na tanong ni Daphnie.
"Hindi ko nga jowa, Daphnie!" pasigaw na pagtanggi ko.
"E, bakit kung makaasta kayo para kayong mag-jowa?!" eksaheradang sigaw ng pinsan ko at nagpamewang pa. "Nanahimik lang ako dito, Camberlie Maia, ha, pero nakakaramdam din ako. Yes, inaasar kita doon before, but that was different."
"Oo na, oo na. Tara na nga! Late na nga tayo binubungangaan niyo pa ako," sabi ko na lang para manahimik na sila.
Pagpasok sa mismong concerts grounds where the music fest is being held tonight, agad na sumalubong sa amin ang malilikot at magkakaibang kulay na ilaw. The crowd is already hype. Patuloy sa pagtugtog ang mga banda sa stage, one after another.
Magkakahanay ang mga stalls sa gilid where the alcohols and foods are. This almost looks like a huge bar except may mga minors dito and less than five percent ang alcohols ng drinks na nandito. Walang mga hard.
This isn't a concert kaya walang mga seats at barrier na naghahati kung magkano ang binayaran mo or such. Lahat ay nakatayo, jumping, singing and hyping at the songs being played sa stage ng iba't ibang band.
Supposedly, hapon pa lang ay nandito na kami but nagkaroon ng klase si Lily at late natapos ang klase ni Millison so we decided na hintayin na lang sila para sabay sabay na kaming apat na pumunta dito.
Obviously, hindi namin kasama ang boys. Raiker wants to give us a space alone, a girls night out. Mas gusto ko sana kung kasama sila, because the more the merrier. But he respects my own space, so be it.
"Kuha tayong drinks?" anyaya ko sa kanilang tatlo.
"Sige, tara."
"Cool, daming pamimilian!"
![](https://img.wattpad.com/cover/340957416-288-k594172.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing Peace | COMPLETED
RomansaThey said, to love is people's nature. You can't rule love. You can't control it. You will love and be loved whether you want it or not. It just loves love. Sometimes, love will come at the most unexpected time. At times that you're not planning to...