November 7
"Nakakainis! Nakakainis!"
I kept stomping on my feet dahil sa sobrang inis habang ang magaling kong pinsan na inangkin na ang condo unit ko ay tinatawanan lang ako habang nagluluto siya.
"Wag mo nga akong tawanan, Daphnie!" inis na singhal ko sa kaniya.
Inirapan ko pa siya habang inaayos ko ang mga bagong grocery na binili ni Kuya Davis para sa unit ko. At ang loka, tinawanan pa ako lalo habang kumokonsumo ng kung ano-ano dito sa unit ko.
"Para ka kasing batang may topak diyan." Malakas pa siyang tumawa.
"Letse! Lumayas ka na nga dito!"
"Uh-uh," umiiling na aniya. "Ayoko, magkaaway kami ni Kuya."
Umikot ako at nakapamewang na tiningnan siya nang masama. "Paanong hindi kayo mag-aaway ni Kuya, e, pinagbabayad mo siya ng stay niya sa unit mo. Ano ba yung unit mo, boarding house? Dorm? Hotel?"
"Kahit na!" pasigaw na depensa niya bago hinango ang mga manok na luto na at nagsalang ulit ng bago.
"My gosh, Daphnie!" I exclaimed. "Ilang araw lang kaya dito si Kuya Davis tapos inaaway mo pa. Siya na nga bumili ng stocks sa unit natin – sa unit mo, siya na rin nagpa-laundry ng mga tambak na damit mo, kulang na lang ata pagsilbihan ka ni Kuya habang nandito siya tapos aawayin mo pa. Concern nga sa 'yo si Kuya kaya binibisita ka rito, wag mo na awayin," mahabang litanya ko
"Oo na, oo na! Babalik na ako sa unit ko bukas!" she groaned, napipilitan. "Sinasabi mo lang naman 'yan para umalis na ako at lubayan ka dito sa unit mo. And FYI!" Lumingon siya sa akin at pinandilatan ng mata. "Hindi naman ako binibisita ni Kuya dito, may inaasikaso siya para sa bagong bahay na bibilhin habang under renovation pa yung luma."
Natawa ako. "Edi kayo na maraming bahay."
"OA, ha! Marami rin kayong bahay, sa ibang bansa nga lang!" Tumawa rin siya. "Ewan ko ba naman kila Uncle kung bakit bili nang bili ng bahay sa iba't ibang sulok ng mundo tapos dadalawa lang bahay niyo rito sa Pilipinas."
"Sakto lang naman yung dalawa. Isa sa akin tapos isa sa kanilang dalawa kapag nag-for good na sila dito." Only child ako, kaya sapat na yung dalawang bahay namin dito.
"I bet sa Canada sila mags-stay, hindi rito. Ang init init kaya rito!" maarteng saad ng pinsan ko. "Balita ko nga nagpapahanap sila Papa kay Uncle ng bahay sa Canada. Mga wala atang magawa sa pera. Sana binigay na lang nila sa akin, pang shopping!"
I smiled faintly. "Sabagay, nabanggit nga pala ni Mom na kukunin na nila ako, doon na ako after graduation. Maiiwan ko kayo dito."
"Edi sasama ako sa 'yo kung ayaw mo mag-isa doon!" agad na bulalas ng pinsan ko sa masiglang boses. "May architecture firm naman kami doon, doon na lang din ako kapag kinuha ka nila Auntie."
"Ang pangit ng vibes! Ikaw kasi!" tumatawang paninisi ko sa kaniya.
"Tingnan mo, effective!" Malakas siyang tumawa. "Nawala sa isip mo kahit saglit si mister jerk-y newbie."
"Pinaalala mo naman! Sana sinarili mo na lang! Gosh, Daphnie!" Inirapan ko pa siya.
She shrugged, teasing me. "Sorry, not sorry."
"Alam mo, sana bukas absent siya. Or better yet, bumalik na siya sa dati niyang univ.," nakasimangot na sabi ko.
"Ang sama mo naman," tumatawang parang timang na sabi ng pinsan ko.
"Mas masama siya!" agad na depensa ko. "Ang sama sama ng ugali! Nakakabwisit! Ang kapal ng mukha niya kaninang maliitin ako! May pangiti-ngiti pa siya, akala mo ikina-gwapo niya 'yon! Tapos yung mata niyang kumikinang... sarap dukutin! Alam mo, kung di lang bagay sa kaniya yung buhok niya, nilait ko na rin 'yon! Nakakairita! Bwisit!"
BINABASA MO ANG
Missing Peace | COMPLETED
RomanceThey said, to love is people's nature. You can't rule love. You can't control it. You will love and be loved whether you want it or not. It just loves love. Sometimes, love will come at the most unexpected time. At times that you're not planning to...