Chapter 17

123 2 0
                                    

February 13

"Ano na? Bagal niyo!" umaalingawngaw ang malakas na boses ng pinsan ko mula sa living room.

Napailing na lang ako and mentally face-palmed. Hindi na nahiya ang babaeng 'yon. Habang si Raiker naman ay tumawa lang sa kahihiyan na ginagawa ng pinsan ko.

"Let's go, baka gutom na sila," anyaya niya while chuckling.

Tumango ako at kinuha ang huge bowl ng chips. Kinuha naman ni Raiker ang chicken at pizza. Nandoon na sa sala ang drinks, ang pagkain na lang ang wala at ang dahilan ng pagwawala ng pinsan ko.

"Finally!" Daphnie exclaimed in relief nang makarating na kami ni Raiker sa sala kung nasaan sila.

"Ang tagal niyo, akala ko may quickie na na naganap," tumatawang sabi ni Riley habang kumukuha ng pagkain na kinuha namin.

Mabilis na nakuha ni Raiker ang canned beer sa gilid at binato sa kaibigan niya. "Gago!"

Nagtawanan lang sila dahil sa kalokohan ni Riley. Hindi ko na lang pinansin iyon at lumapit ako sa pinsan ko, tinapik ko pa ang hita niya para umusod siya nang kaunti bago ako umupo sa tabi niya. Umupo naman sa tabi ko si Raiker sa kabilang side.

We're at the boys' place. Kompleto ang barkada – my girls and his boys. Nasa long sofa ako next to Daphnie and Millison while sa kabilang side ko ay si Raiker. Nasa solo couch si Lily, reading a novel. Riley is leaning sa bean bag near the foods, si Luke ay halos naka-upo na nakahiga sa long sofa na katapat namin, while si Gio ay nakasandal lang sa couch na hinihigaan ni Luke habang nakaupo sa carpeted floor.

Tomorrow is valentines day, and we're planning now kung anong magandang gawin. At syempre, hindi pwedeng mawala ang foods. Nauna pa nga magka-second batch ng pagkain at drinks bago kami makaisip ng matinong gagawin bukas.

Dapat nga hindi kasama si Daphnie pero pinahiram siya sa 'min ng boyfriend niya dahil sila na ang magkasama last year. What I like about Daphnie's man is he's not selfish. He let us borrow Daphnie, minsan nga siya pa ang nag-aalok because he knows that before they had their relationship, nauna ang friendship naming apat. I'm happy for my cousin 'cause she found the right man for her.

"So, ano na? Kakain na lang kayo diyan?" mataray na sambit ni Lily habang kaharap ang libro niya.

Yes, nagtataray na sila sa harap ng boys dahil sa loob ng mga nakalipas na buwan, close na rin ang lahat sa isa't isa, kaya nga may pagtataray na.

"Mag-suggest ka kaya, basa ka nang basa diyan," Riley pointed out.

"Kaysa naman sa 'yo, kain nang kain," umiirap na sabi ni Lily at hindi man lang tinapunan ng tingin ang kausap.

Riley just groaned at her bago nagbukas ng canned beer at inisang lagok iyon. Lagi na lang silang dalawa ang nagbabangayan.

"May naisip na ba kayong ideas for tomorrow?" I asked sa lahat.

"Amusement park?" Luke suggested at halatang nabo-boring na siya.

"Common naman no 'n. Paniguradong puro couple nando'n, hindi barkada," Daphnie said.

"Out of the country?" Riley suggested.

"Saan?" Millison asked.

"Disneyland," Riley smiled with his idea.

"Ganoon din," Daphnie groaned.

"Roadtrip?" Gio spoke.

"To where?" Daphnie asked. "To famous places? Paniguradong crowded din."

"Takot ka ba sa tao? Lipat ka ibang planeta," Luke grunt.

"Ayoko kung kamukha mo mga alien doon," pagtataray ng pinsan ko.

"So, saan nga tayo?" Riley asked.

"Drop ideas nga," Millison said, nauubusan na rin ng pasensya na hanggang ngayon nasa planning stage pa lang kami.

"We're droping ideas tapos binabara naman niyang kaibigan mo," busangot ang mukhang sabi ni Luke.

"Saan mo ba kasi gusto pumunta? Anong gusto mong gawin?" tanong ko kay Daphnie.

"I don't know." She shrugged. "Maybe just chill with you, guys. Pero we can't chill in crowded places." Tumigil siya saglit at uminom ng beer niya bago muling nagsalita. "This valentines day is for friendship, not relationship..." Daphnie turn and looked at me and Raiker at pinanlakihan niya pa kami ng mata habang ang iba ay tumawa lang.

Then Daphnie go back speaking. "Medyo cringe makakita ng mga naglalampungan at hindi 'yon maiiwasan kung sa famous places tayo pupunta."

"You're suggesting an isolated place?" Raiker spoke.

Daphnie nodded. "Yeah, kinda?"

"Like, tayong walo lang ang nandoon?" Raiker asked again.

Daphnie nodded again at bahagya nang nakataas ang isang kilay niya. "Uh-huh."

"Then, let's rent a place," Raiker suggested. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "What do you think, love?"

Inirapan ko na muna siya. It's already been a month since he started calling me 'love' with no reason, trip niya lang gano'n.

"Pwede naman," I said habang tumatango kay Raiker. "As long as everyone is good with that," I added kasabay ng paglingon ko sa iba.

"Basta wag tayo masyadong lalayo, we still have classes the other day," Daphnie said.

"Right," Lily agreed. "Dapat yung makakabalik tayo agad."

"Agree," sabat ni Millison while eating chips. "Ayaw kong matambakan ng cases."

"Okay." Napatango-tango si Riley before he asked, "Pero saan tayo?"

"Girls, describe what kind of place you want," Luke said. "Kayo ang masusunod, mga prinsesa kayo, e."

"Syempre dapat malinis. Kadiri pag dugyot," pangunguna ni Lily with her disgust face na ikinatawa naming lahat. Nurse things siguro ang ayaw sa madumi since they always needs to be clean.

"Yung malamig sana, mahangin, gano'n," Millison said as she shrugged.

"And maganda ang view, for IG," Daphnie added while laughing lightly.

"Ocean," biglang sabat ni Raiker, who's now leaning to my shoulder.

"Ha?" halos sabay sabay at naguguluhang tanong namin.

"Something like ocean, or ocean itself," Raiker explained pero wala pa rin kaming naintindihan but I already have a hint.

"Girls tinanong ko. Bumigay ka na ba, dude?" tumatawang pang-asar ni Luke na tinawanan din ng iba.

Raiker rolled his eyes like a pick me up girl as he hugged me from the side. "I speak for my love."

"Ew, cringe," my cousin groaned and made a disgusting sound.

While others laugh as Luke shouted, "May spokesperson ka na pala, Cams!"

"Shut up na, di tayo matatapos, sige," tumatawa ring pagpapatigil ko sa kanila. It's fine naman kapag inaasar nila kami, I just don't like being on a spotlight.

"So, we'll rent what?" Daphnie then asked.

Raiker looked at Gio without moving an inch from me. "Gio?"

Kumunot ang noo ni Gio while looking at Raiker. Hindi kami umimik ng girls dahil wala kaming maintindihan. Hanggang sa unti-unting nawala ang pagkakakunot ng noo ni Gio.

"Ooohhhh!" Luke and Riley suddenly reacted, as if they already understood what's happening. "Ayos!" Nag-apir pa ang dalawa.

"Are you serious, dude?" Gio asked Raiker.

Umangat si Raiker mula sa pagdantay sa akin as he nods at Gio. "Yeah."

"Uhm, hello?" sabat ko kaya napalingon silang apat sa amin. "Can you, guys, fill us in? Anong meron?"

Raiker smiled at me. "Are you, girls, up for an overnight... on a yacht?"


I know it will always be the valentines day I'll always look back on. 

Missing Peace | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon