December 23
Magda-dalawang araw na akong hindi lumalabas ng bahay nila Daphnie. Palagi akong nasa kwarto lang kaharap ang laptop ko o nasa kusina at kumakain. Lumalabas lang ako sa may garden kapag sinasamahan ko ang mga pamangkin ko sa pinsan na maglaro doon.
Hindi ako makalabas dahil sa nakatira sa tapat ng bahay nila Daphnie. Madalas siyang nandito sa amin dahil kakilala niya pala si Kuya Davis, he just didn't figure it out yet before na si Kuya Davis na kuya namin at si Davis na friend niya ay iisa dahil hindi naman niya nakita si Kuya na kasama kami. At kapag nandito siya, malamang nasa kwarto ako.
Gaya kahapon, nasa garden silang lahat including Daphnie at nakikipaglaro sa mga pamangkin namin na bata. Nasa kwarto lang ako at nakatingin sa kanila. Kapag lumilingon si Raiker sa gawi ko ay agad akong nag-iiwas ng tingin at nagpapanggap na hindi ko alam na sa akin siya nakatingin.
Nagtataka nga sila Auntie pero ang sabi ko lang ay busy ako, which is somehow true dahil may pinagkakaabalahan ako sa laptop ko. And besides, madalas tumawag si Mom dahil hindi na sila masyadong busy doon ni Dad at naghahanda na lang din for Christmas, and our topic is about sa paglipad ko doon after my college graduation.
"Ice cream po, Tita!" pasigaw na paalala ng mga pamangkin ko.
"Opo, opo," tumatangong sabi ko bago ako tuluyang makalabas sa shared room namin ni Daphnie. May kwarto naman ako dito, pinalagyan nila Uncle, pero kay Daphnie ako natutulog kasi malamig sa kwarto niya.
Nautusan ako ng mga pamangkin ko na bumili ng ice cream sa 7-Eleven, sa pangunguna at pagbulong bulong sa kanila ni Daphnie. At dahil hindi ko matanggihan ang mga pamangkin ko, pumayag na ako. Ako nga lang mag-isa ang lalabas dahil hindi makakasama si Daphnie dahil walang magbabantay sa mga pamangkin namin.
Sinintas ko nang maayos ang sintas ng sapatos ko before I put the hood ng hoodie na suot ko bago lumabas ng main door. Madilim na sa labas at malamig. Tahimik din at walang ingay na naririnig.
Halos tulog na nga ang mga tao rito ngayon, kami na lang ata ni Daphnie at ng mga pamangkin namin ang gising at nautusan pa akong bumili ng ice cream sa may labasan. Dapat pala hindi ko na pinigilan na kunin ng mga magulang nila ang mga pamangkin ko kanina para patulugin para wala ako rito ngayon sa labas ng bahay, tahimik na sinasarado ang gate.
"Camberlie."
Bahagya akong napatalon sa gulat at muntik ko pang mabitawan ang airpods ko nang may tumawag sa pangalan ko. Umikot ako at lumingon sa pinanggalingan niyon to see Raiker standing sa balcony ng bahay nila and directly looking at me. He's wearing a hoodie too. Siguro normal na malamig dito kapag gabi, kaya rin siguro pinagdala kami ng hoodie ni Kuya Davis.
"Where are you going?" tanong niya.
Itinuro ko ang daan palabas with my thumb. "Nautusan bumili ng ice cream ng mga bulinggit."
Tumingin lang siya sa akin at hindi na muling nagsalita. Palihim akong napalunok nang bumalik sa isip ko ang halikan na iyon by looking at his eyes.
"A-Ah, I'll go ahead."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at nagsimula na maglakad paalis. Natatandaan ko ang convenience store na nakita ko kahapon malapit sa gas station when we went there at mukhang malapit lang naman, sa may highway lang.
Isinuot ko ang airpods ko sa magkabilang tainga habang patuloy sa paglalakad. Inilagay ko rin ang kamay ko sa loob ng pocket ng hoodie. Malamig nga talaga dito kapag gabi. Pinagsisisihan ko tuloy na nag-short lang ako. Dapat pala hindi ko na pinalitan ang pajama kanina.
Nakatungo ako at tahimik na naglalakad nang biglang may kumuha ng airpods ko sa kanan na tainga na kaagad nasundan ng boses ni Raiker. I knew it, sinusundan niya ako.
"You shouldn't wear two kapag nasa labas ka, lalo na kapag mag-isa."
"Alam ko namang may sumusunod sa akin, e," pabulong na sabi ko.
"Really?" Isinuot niya ang airpods ko sa tainga niya. "You doesn't seemed alarmed and scared."
"Hindi ka naman nakakatakot kaya hindi ako natakot," I said, stating the fact.
"Paano mo nalaman na ako 'yon?" he asked, amazed.
"Dahil ikaw 'yan." Lumingon ako at tumingin sa kaniya. "Because you are you, Raiker."
He suddenly chuckled lightly. Nag-iwas pa siya ng tingin sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa batok bago nakangiting tumingin muli sa akin. "Alam mo bang kinikilig ako whenever you call my name? It seems so special kapag nanggagaling sa 'yo."
I awkwardly diverted my gaze. I even need to bite my lower lip to stop myself from smiling. Kumalma ka, Cams. Wala lang 'yon. Wala lang.
Binalot kami ng katahimikan while walking papunta sa nearest convenience store. Except the sound were listening through my airpods na tig-isa naming suot. Cold wind keeps hugging us.
Wala pa ring umiimik nang makalabas na kami sa may highway. Raiker just hold my hand at inilipat ako sa kabilang gilid ng daan, the one safer dahil walang mga sasakyan. Saglit pa ay natatanaw ko na ang 7-Eleven.
"Camberlie, come on, loosen up," nagmamakaawa ang boses na sabi ni Raiker, binabasag ang katahimikan. "If you don't want to talk about that kiss, then let's not talk about it. Just... Just don't ignore me."
Napasimangot ako. "Paano ko gagawin 'yon kung pinaalala mo na naman?"
He chuckled before he changed the topic. "What song is this?"
"Dancing in the dark, by Sab. Why?" Lumingon ako sa kaniya at nang-aasar na ngumiti. "Papakinggan mo rin like what you did sa Fallen?"
Mababaw lang siyang natawa at hindi na nagsalita pa because I caught him already. It's fine naman with me. It feels great to share a song to someone close to you.
When we reach 7-Eleven, he open and hold the door for me. Napairap na lang ako when he bowed nang malagpasan ko siya.
Dumiretso ako sa area ng ice cream while Raiker went to chips aisle. Hindi na kailangan mamili kung anong flavor ang kukuhanin, cookies and cream agad!
I got a huge tub pero tig-iisang baso lang ang ibibigay ko sa mga pamangkin ko mamaya pagkauwi dahil baka pagalitan kami kapag inubo silang lahat. Dinala ko na ang ice cream sa counter para bayaran at sumunod din si Raiker with his chips.
"Favorite mo!" we said in unison while pointing at what each other is carrying. Sabay din kaming natawa afterwards.
Nabanggit niya lang before na Lays ang favorite chips niya, any flavor. And it happened na natandaan ko 'yon. But I didn't know na tanda niya rin ang favorite flavor ko ng ice cream.
Kumuha pa siya ng dalawang cookies and cream na cornetto bago namin binayaran lahat. He said he wants to try my favorite flavor kaya bumili siya. Pagkatapos naming bayaran ang mga binili, umalis na rin kami kaagad doon.
Sabay kaming naglakad pauwi habang nagtatawanan at nagkwekwentuhan over some random and funny stuffs. About our favorites and silly dream date. Tinawanan pa nga niya ako when I told him na dream date ko ang Enchanted Kingdom date. Yung kanya kasi, expensive masyado. Yacht date.
We end up breaking the ice cold wind through laughing non stop because of his nonsense and silly jokes while walking under thousands of stars and the one and only beautiful luna above.
Our late night walks and talks always feel special.
BINABASA MO ANG
Missing Peace | COMPLETED
RomanceThey said, to love is people's nature. You can't rule love. You can't control it. You will love and be loved whether you want it or not. It just loves love. Sometimes, love will come at the most unexpected time. At times that you're not planning to...