December 22
I was having fun listening to Lola Amour's songs while driving habang tulog na tulog ang magaling kong pinsan sa passenger seat nang may tumawag sa akin. Hindi ko na kailangan kunin ang cellphone ko dahil connected na iyon sa kotse ko.
"Kuya?"
[Saan na kayo? Malapit na ba?]
"Opo. Malapit na sa may kanto."
[Okay. Hihintayin ko kayo sa labas ng bahay. Gisingin mo na si Daphnie, sasakit ulo niyan kapag biglang baba pagkagising.]
"Sige po, Kuya." Ibinaba ko na rin ang tawag at bumalik sa pagpapatugtog habang nagmamaneho.
Bumagal ang pagpapatakbo ko ng sasakyan at lumipat din sa pinaka gilid na lane. Lumingon ako sa pinsan ko na bahagya pang nakanganga habang natutulog. Inalis ko ang isang kamay ko sa manibela at hinawakan ang maliit na unan na inuunanan niya. Nahulog ang ulo niya at nauntog sa head rest ng upuan nang mabilis kong hinila at tinanggal ang unan niya.
I chuckled. "Gising na po, kamahalan," nang-iinis ang boses na sabi ko.
"Parang tanga naman 'tong alalay ko!" she hissed angrily.
Bahagya siyang umikot at tumalikod sa akin at akmang babalik sa pagtulog. Malakas na hinampas ko siya ng unan na hinigit ko kanina pero umungot lang siya.
Palingon-lingon ako sa kaniya at sa daan habang ginigising siya. "Oras na para gumising, shuta ka," payapa ang pagkakasabi ko kahit obvious naman na may kasamang inis ang sinabi ko.
"Five minutes pa, Cams," she groaned.
"Within five minutes nasa inyo na tayo, tanga."
Nagmulat siya ng mata saglit at sumilip sa daan. "Malapit na ba tayo?"
"Ay, opo, kamahalan," sarkastikong sabi ko bago ibinato sa kaniya ang unan. "At malapit na rin kitang sipain palabas ng sasakyan."
"Sasakyan ko 'to," paalala niya.
"Ako naman ang nagmamaneho," saad ko kasabay ng pag-apak sa accelerator ng sasakyan para makarating na kami sa paroroonan.
Umayos na siya ng upo at nag-inat inat. "Sasakyan ko pa rin ang gamit natin, ikaw kaya sipain ko palabas diyan."
I rolled my eyes kahit hindi naman niya kita. "Kung hindi ka sumuka sa sasakyan ko kagabi, edi sana yung akin ang gamit natin ngayon, 'di ba?"
"Sorry, not sorry." Pang-asar siyang tumawa at lalo siyang natawa nang lumingon siya sa akin. "Mukha kang tanga, Cams!"
Tawa siya ng tawa at iniirapan ko lang siya. May paghawak pa siya sa tiyan na akala mo mamamatay na siya kakatawa. Sisipain ko na talaga 'to palabas ng sasakyan kapag nasa tapat na kami ng bahay nila.
"Ba't naka shades ka pa, di ka naman galing Canada. Ano 'yan? 'Tita mong rich' vibes?" Tumawa siyang parang tanga. "Ubos talaga pera mo sa mga pamangkin natin."
"Kaysa naman maubos pera ko sa 'yo. Ako na nga nagbayad ng gas kanina," pagmamayabang ko. "'Saka wag mo nga akong pakialaman, di naman ikaw nagda-drive."
"Fine!"
Akala ko mananahimik na kami, pero ang bruha, kumuha rin ng shades sa bag niya sa likod na upuan. "Oh? Ba't mo ko ginagaya?" nagtataray na tanong ko.
"Alangan namang ikaw lang ang may 'Tita mong rich' vibes." Nakangisi siyang nakatingin sa akin as she wears her shades na kagaya lang ng akin, syempre gaya gaya siya. "Na-ah."
"Gaya gaya puto maya paglaki buhaya," pagkanta ko.
She scoffed. "Para kang bata."
"Gano'n talaga, baby pa ako, e." Lumingon ako sa kaniya para mas dama niya. "Di gaya mo, losyang na." Nag-belat pa ako sa kaniya.
"Tanginang 'to, dalawang buwan lang naman tanda ko sa 'yo," inis na saad niya.
"Mas matanda ka pa rin."
Patuloy lang kami sa walang katapusang pag-aasaran. Mas natutuwa pa akong bwisitin siya ngayon dahil alam kong masakit pa ang ulo niya at may hangover pa because of last night.
Dapat nga mamaya pa kami aalis kaso nag-aya na siya kaagad. Maaga siyang nagising at sinabing wala naman daw siyang hangover at niloloko pa niya ang sarili na hindi naman daw siya nalasing kagabi kahit ang naaalala niya lang ay hanggang doon sa naki-table kami kila Raiker.
Kaya umalis kami doon sa unit after lunch pero tinulugan lang niya ako sa sasakyan. Sarap talaga sipain palabas ng sasakyan 'tong babaeng 'to. Halos wala pa nga akong tulog tapos nag-aya kaagad na umalis. But it's not her fault, kagagawan naman ng kagagahan ko kagabi kung bakit hindi ako nakatulog magdamag.
Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip ng halik na 'yon. Nakakahiya talaga! Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya sa halik na 'yon. Hindi naman ako nag-initiate, hindi ako ang nauna humalik, at lalong hindi ko siya inutusan na halikan ako.
Late ko na nga narealize na ang pinaka nakakahiya pala ay yung pagtakbo ko paalis pagkatapos ng halik na 'yon!
Kung pwede lang akong bumalik sa oras through time machine, babaguhin ko talaga lahat. Nakakahiya kaya! Hindi ko na nga sinagot ang mga tawag ni Raiker kaninang umaga dahil nahihiya pa rin ako.
Mabuti na lang hindi kami nakita ng maski isa sa kaibigan niya at kaibigan ko, kundi lalo na akong walang mukhang ihaharap sa kanila sa back to classes sa January.
At good thing sa January pa kami magkikita ulit ni Raiker. Siguro naman nakalimutan na niya yung halik na 'yon by the time na magkita na ulit kami, right? Right!
It took us just a few minutes bago namin marating ang kanto na sinasabi ni Kuya, which is the end na rin ng waze ko. Mabagal na ang pagpapatakbo ko noong pumasok kami sa may kanto, tiningnang mabuti ang daan dahil baka malagpasan na namin si Kuya Davis.
Matataas at malalaki pa rin ang mga bahay dito kahit wala sa private village, di gaya ng mga Ellwood's property sa QC. Though, ang mga street dito ay parang nasa private village ka rin dahil wala masyadong tao. Wala ring mga sasakyan na naka-park sa gilid ng kalsada at lahat ay nasa loob ng mga garahe. May mga puno pa sa paligid na nagpapaganda ng daan at nagpapagaan ng vibes.
"There!" Daphnie suddenly shouted.
Lumingon ako sa direksyon na tinuturo ni Daphnie. Naaninag ko na si Kuya Davis kahit medyo malayo pa siya. May kausap siyang lalaki habang nasa labas ng isang bahay. Hindi ko alam kung iyon ba ang bagong bahay nila Daphnie o yung nasa tapat ng bahay na 'yon.
Ibinaba ko ang bintana sa gilid ko while driving papunta kay Kuya. Nasa left side siya ng kalsada, sa may side ko. Agad namang isinayaw ng hangin ang buhok ko nang maibaba ko na ang bintana.
Nakita kaagad ako ni Kuya Davis at napangiti ilang metro palang ang layo ng sasakyan sa kanila. Nakangiti kong itinigil ang kotse sa tapat nila Kuya.
Unti-unting nanlaki ang mata ko sa likod ng shades na suot ko as my lips slowly parted nang humarap sa amin ang lalaking kausap kanina ni Kuya Davis.
"Raiker?!"
The side of his lips lifted at may bahid iyon ng pang-aasar. "Hi, Camberlie."
Tumagos pa ang tingin niya sa akin at bumaling sa pinsan ko sa kabilang upuan. "'Yow, Daphnie." Tinanguan lang siya ng pinsan ko.
"What are you doing here?" I asked, still in daze.
Raiker chuckled. "This is where I live." He pointed to the modern house behind them bago tiningnan ang malaking bahay across their house. "And that's Ellwoods' new house."
Hindi pa rin ako makapaniwala na kaharap ko siya ngayon. Parang kanina lang ay nagpapasalamat ako dahil hindi ko siya makikita buong holiday break dahil sa kagagahan na nagawa ko kahapon.
Tapos ngayon kaharap ko na siya! Smiling wickedly at me and obviously teasing me sa nangyari kagabi!
Shit. Shit talaga! Universe, you must be kidding me! Katapat talaga ng bahay nila Daphnie? Seriously?!
Tadhana'y pilit tayong pinagtatagpo, na tila ito'y kasabwat mo.
BINABASA MO ANG
Missing Peace | COMPLETED
RomanceThey said, to love is people's nature. You can't rule love. You can't control it. You will love and be loved whether you want it or not. It just loves love. Sometimes, love will come at the most unexpected time. At times that you're not planning to...