December 9
"Stand by lang muna, students. We'll begin in a moment."
Agad na umungot ang katabi ko dahil sa sinabi ng nasa podium. "Kanina pa 'yang we'll begin in a moment na 'yan, ilang oras na tayo rito."
"Kumalma ka nga, baka may difficulties lang," suway ko at sumimangot lang siya bago nanahimik.
Nasa auditorium kami at hindi ko alam kung bakit kami nandito, basta sinabihan lang kaming pumunta dito para sa small program, orientation ata kaso hindi ko alam kung para saang orientation. Puro engineering at architecture students ang nandito kaya kasama ko ang maingay kong pinsan.
Friday na rin today kaya wala na kami masyadong iniintindi ni Daphnie, dahil pinilit naming tapusin kagabi lahat ng pending school works namin dahil sa music fest na pupuntahan namin bukas. Matagal nang planado iyon kaya hindi namin pwedeng palagpasin.
Daphnie pulled the sleeve of my shirt like a kid. "Cams, hindi ba pwedeng lumabas muna tayo? Nagugutom na ako." She even pouted.
I roam my eyes around, looking for any staff or student council ng department namin para magpaalam na lalabas muna kami. Hindi pa kasi nagla-lunch ang pinsan ko, kaya rin siguro inip na inip na siya. Supposedly, ngayong oras ang lunch niya – late lunch dahil sa class schedule niya pero nandito kami sa auditorium kaya hindi pa siya nakakakain.
I was about to stand up when Luke who's sitting beside Raiker in front of us gave my cousin a food bag na galing pa sa fastfood sa labas ng university. "Here, we can share. Pinabili ko 'yan kay Gio kanina."
"A-Ah, thanks." Nahihiya man, tinanggap pa rin ni Daphnie ang inaabot ni Luke. They have the same class kaya pareho silang hindi pa kumakain, prepared nga lang si Luke. "But if you're hitting on me, I'm telling you, I'm in a relationship."
Luke chuckled. "Really?"
"Yeah," Daphnie nodded proudly. "Private relationship with the basketball team captain ng isang university."
"Totoo, Cams?" nagdududang tanong ni Luke at bumaling pa sa akin.
I chuckled. "Yap. Private kasi ayaw pa ipaalam ni Daphnie sa iba."
Daphnie is really not into Luke, kahit palagi silang inaasar ng mga kaibigan ni Raiker. Ngumingiti nga lang si Daphnie kahit alam kong naiinis na siya kapag inaasar siya sa iba. And talagang may boyfriend siya na basketball team captain ng isang university, hindi nga lang niya sinabi na university namin iyon.
"Bakit private? Pangit ba 'yon?" Luke teased.
"FYI, pogi ang boyfriend ko. Mas pogi pa sa 'yo," pagtataray ni Daphnie kay Luke habang ngumunguya ng burger na bigay ng kaaway niya.
"Seryoso, Camberlie? May boyfriend nga siya?" sabat na tanong naman ni Raiker habang nakalingon na rin dito sa amin.
"Isa ka pa!" Daphnie hissed at Raiker. "Hindi ba kapani-paniwalang may jowa ako? Ka-jowa jowa naman ako, oy!"
"Hindi naman sa gano'n." Raiker laughed sa pagka-amazona ng pinsan ko. "What I mean is, sana sinabi mo kaagad para di ka na pinagpapantasyahan nitong si Luke."
"Tangina mo!" agad na mura ni Luke sa kaniya at binatukan pa pero nakaiwas si Raiker at tumawa lang.
Mahina akong natawa dahil sa pagkukulitan nila. Kung hindi absent si Riley, malamang tatlo na silang nagsasapukan sa harap namin.
"I was actually surprised na sinabi sa inyo ni Daphnie," I said nang tumigil na silang dalawa. "Kaming tatlo lang nila Lily ang nakakaalam before."
"Exactly!" bulalas ng pinsan ko while looking at me. "Kaya wag na wag kang madudulas kay Kuya pagkauwi natin doon sa break."
BINABASA MO ANG
Missing Peace | COMPLETED
RomanceThey said, to love is people's nature. You can't rule love. You can't control it. You will love and be loved whether you want it or not. It just loves love. Sometimes, love will come at the most unexpected time. At times that you're not planning to...