Chapter 6

137 3 0
                                    

November 21

Everything was fine and days were going smoothly. So far, I'm surviving the second semester of fourth year.

As a fourth year college student, palaging magulo at nakakalito ang schedule namin kahit pang ilang week pa lang since the second sem started. But still, my girls and I still managed to hang out kapag nagtutugma ang schedules namin though hindi sila ang kasama ko ngayon.

"Camberlie," Raiker called me as he lightly bumped his shoulder to mine.

"Hmm?" I just hummed and didn't bother to look at him.

"Someone's calling you," he said that made me look at him. He pointed my cell phone using his lips. Agad kong kinuha iyon at sinagot ang tawag when I saw it was Lily.

"Lily, what's up?"

[Vacant ko. Nasaan ka? Magkakasama ba kayong tatlo?]

"Ah, no. Pero free ako ngayon. Nasa pavillion ako, you can come here if you want."

[Okay, I'll be there.]

Ibinalik ko ang cellphone ko sa kaninang pwesto niyon, sa tabi ng cellphone ni Raiker. Nahirapan pa ako ilagay iyon doon dahil medyo malayo sa akin.

It was actually Raiker's idea, na ilayo sa akin ang cellphone ko para dire-diretso ako sa pag-aaral para sa quizzes mamaya. And because ayaw ko, inilagay niya rin yung cellphone niya sa tabi ng cellphone ko para raw pareho kami and wala na akong nagawa kundi pumayag.

I then looked at Raiker who's busy with his own notes. "Raiker, okay lang ba sumama sa 'tin yung isa kong kaibigan? Vacant niya kasi," I asked. "Pero promise mag-aaral pa rin ako," kaagad kong dagdag.

Mahina siyang natawa bago tumango. "Oo naman."

"Okay, thank you," I giggled.

Minsan natatawa na lang din ako sa sarili ko kapag nagpapaalam pa ako sa kaniya, ganoon din kapag si Raiker naman ang magpapaalam sa 'kin. Para kaming tanga. Pero okay na rin, kasi may disiplina kami kapag ganoon. Kapag hindi pumayag ang isa, di namin gagawin.

We're really not connected, blockmates lang talaga. But as days passed by, napapansin ko na lang na siya palagi ang kasama ko, vacant or not. Siya palagi ang kausap ko when it comes to topics na hindi ko maintindihan and lessons that confuse me. Pati sa paggagawa ng school works, siya pa rin ang kasama ko. Para akong nakahanap ng study partner, close blockmate at kaibigan sa isang tao, kay Raiker.

"Wow, nerds."

Umangat ang tingin ko sa harap namin nang marinig ang pamilyar at malakas na boses ni Luke. Nang-aasar ang ngiti niya habang nakatingin sa gawi namin ni Raiker as he walk through the hallway, papunta dito sa table namin. Nasa likod niya sila Gio at Riley, along with my girls.

Sabay sabay pa silang tumawa sa amin nang makalapit sila at makita ang napakaraming gamit namin ni Raiker sa table. Sinamaan ko lang sila ng tingin at bumalik sa inaaral ko pero patuloy pa rin sila sa pagtawa.

"Masyado niyo namang pinaghahandaan future niyong dalawa," Luke teased before he laughed so hard.

Kusang umangat ang tingin ko at dumapo kay Luke who keeps laughing. Ramdam ko ang sunod-sunod na paglingon ng mga kaibigan ko pati na rin nila Raiker, Gio at Riley kay Luke.

Seems like Luke felt seven pairs of eyes looking at him kaya kusa siyang napahinto sa pagtawa. He then cleared his throat and act like nothing happened. "Ang sabi ko, ang sipag niyo masyado. Forda latin honor ba 'yan?"

Impit na natawa sila Riley at Gio, nagtakip pa sila ng bibig to lessen the sound of their laughs. My girls just shrugged at pinakawalan na lang ang joke na 'yon. While Raiker glared at Luke that made him pouted a bit. Cute!

"Busy ka pala." Lumapit sa akin si Daphnie while pouting a bit. Cute, magkamukha sila ni Luke. "Mag-aaya pa sana ako mag greenbelt."

"You can go naman," I said. "Hindi nga lang ako makakasama, may quiz kami today, e."

"Ayoko nga," Daphnie refuses at umupo sa tabi ko. "Kanino ako manghihiram ng card kapag na-reach ko na limit ng akin? Hindi naman nagpapahiram 'yang dalawang 'yan," tukoy niya kila Lily at Millison sa harap namin.

"Inuubos mo laman, e," Lily pointed out while laughing lightly.

"Ang pera, dapat ginagastos," Daphnie defended.

"Pero hindi sa mga walang kwentang bagay," sabat naman ni Millison.

"Harsh, attorney!" Daphnie exclaimed, acting hurt.

Mahinang natawa si Millison. "Sira!"

"But seriously, you can go without me, girls." I then looked at my cousin. "Just bring my card with you, Daphnie. I can't fail this quiz, strict prof. dito."

"Anong topic ba 'yan?" Daphnie asked at nakiusyoso na sa mga gamit na nasa harap ko.

Sa pagkakarinig ko, twenty items lang naman ang quiz mamaya. Pero malawak ang coverage, hindi mo alam kung anong tanong at topic ang lalabas sa quiz. And besides, every single score is important kapag college ka na.

"Oh? 'Di ba pareho tayo ng prof. dito?" Daphnie then asked pagkatapos niyang pakialaman ang mga gamit ko. Kalimitan, may magkapareho kaming subject ni Daphnie kahit architecture student siya, especially mga general education courses.

I nodded. "Yeah."

"E, ba't may quiz kayo dito, kami wala?" she asked confusedly.

I was about to say 'I don't know' nang sumabat si Luke. "Meron."

"Ha?" walang kamuwang-muwang na baling sa kaniya ng pinsan ko.

"May quiz tayo riyan mamaya. Twenty items daw," Luke said.

"What?!" gulat at eksaheradang sigaw ng pinsan ko. "Bakit hindi ko alam?!"

Luke just look at my cousin and shrugged, telling her na hindi niya alam. Ang pinsan ko naman, biglang nag-panic at nagbuklat na rin ng gamit niya. Naintindihan ko na kaagad na magre-review rin siya kaya inayos ko ang ilang gamit ko para magkaroon ng space sa table and Raiker did the same.

We all end up sitting in one table together dito sa university pavilion. Each of us is facing either a book, notebook, or a laptop. From Raiker, to me, my cousin, and Luke beside her and kay Gio, Lily, Millison at Riley sa tapat namin, other side ng table.

Nauwi na rin kami sa pagtutulungan sa mga mutual subject namin na may quiz today. Bukod sa alam naming magugutom kami, to make it more look like a group study, nagpa-deliver na lang kami ng food at nilagay iyon sa gitna ng table at inihilera sa pagitan ng mga gamit namin. Hindi na natuloy ang plano na paggala at nauwi na lang kaming lahat sa pag-aaral.


Nothing beats a circle of friends putting acads before lakads. 

Missing Peace | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon