Chapter 21

121 2 0
                                    

March 26

Maingay ang paligid at magulo. Nakapikit man ako at nakasandal sa upuan ko, naaninag ko pa rin ang malilikot na ilaw sa paligid. Walang tigil ang malakas na tugtog pero nangingibabaw pa rin ang ingay ng mga kaibigan ko.

"Cams, kaya mo pa?"

Nagmulat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Gio, ang tanging kasama ko na sober pa rin. Nakatayo siya sa harap ko, inaawat ang iba naming kaibigan na lumabas ng pwesto namin at pumunta sa dance floor.

I can't remember on why did I agree with this inuman, on a weekend night. I mean, Sunday ngayon and supposedly busy kami pag Monday. Which is true dahil inaasikaso na naming ang ojt na probably magsisimula na this coming week and graduation requirements since tapos na ang finals.

Pumayag lang naman ako kasi wala na akong magagawa, payag na silang lahat sa inuman na 'to dahil nagtatampo raw sila because hindi naming sila sinama ni Raiker kahapon sa Enchanted Kingdom.

Pang ilang bar na nga itong napuntahan namin at dito sila inabot ng tuluyang kalasingan. Bar hopping ang trip nila tonight.

"Sino ba kasing nag-suggest ng bar hopping," iyamot na sabi ko bago hinila ang mga kaibigan ko paupo sa upuan nila.

"Si Daphnie," tumatawang sabi ni Gio.

Ang girls ko, kung ano ano na namang kabaliwan ang nagagawa, pati na rin si Luke at Riley. Tulog na sa tabi ko si Raiker, he's too much drunk. Kami na lang ni Gio ang naiwang sober sa aming dalawa, though nakainom ako but I'm not drunk drunk.

Kung ang ibang group of friends ay nakakatawa at masaya kapag mga lasing na, kami hindi. Magulo at nakakabaliw ang lasing moment ng barkadang ito. Talagang chaotic drunk moment.

Lily suddenly stood up at our couch. Nakatakip ang kamay niya sa mukha at kumekembot pa. "Konnichiwa sayonara kochi kochi kochi sayonara..." bigla na lang siyang kumanta habang paulit-ulit na uncovering then covering her face.

"What the fuck?!" Millison screamed with irritation. "You're so ingay, Lily! Ughh! Sit down nga!"

Hinila ni Millison si Lily pababa but instead na mapaupo, natumba si Lily paharap. Mabilis akong napatayo dahil baka bumagsak si Lily sa table naming full of drinks and glasses. But Gio caught Lily. Inupo namin nang ayos si Lily na bigla na lang tumatawa at lumilingkis kay Gio.

"Hi, miss beautiful!" Lumingon ako kay Luke when I heard him spoke. "You free tonight?" he asked my cousin, Daphnie. Naka-lean siya sa tapat ng pinsan ko at bumababa-taas pa ang kilay niya.

Kinuha ni Daphnie ang lemon na sinisipsip niya mula sa bibig niya at binato sa mukha ni Luke. "Shatap, Luke," she hissed.

Hindi sober yet hindi na ganoon kalasing ang pinsan ko. Kanina nasa level siya nila Lily at Millison, pinilit ko lang siyang sumipsip ng lemon because it helps her get sober. Kung hindi pa nga 'yan tumino, baka may bouncer na sa paligid namin para awatin siya.

Dahil sinalo ni Gio si Lily at hanggang ngayon ay hindi pa siya pinapakawalan ni Lily, nakawala si Riley sa hawak ni Gio that keeps him from doing something idiotic. Riley stood up sa ibabaw sa lamesa, despite the drinks and kalats sa lamesa. Iwinawagayway pa niya ang jacket niya na hinubad niya kanina. Mukha siyang lasing na cowboy.

Pilit naman siyang hinihila ni Gio pababa with his one hand dahil ang isa ay hindi mabitawan si Lily. Hindi ko naman mahila pababa si Riley dahil pinipigilan ko si Millison na dumagdag pa sa chaos na 'to.

"Woot, woot!" Kumembot-kembot pa si Riley. "Ladies and gentlemen, jumbo hotdog!"

Narinig ko ang tawanan ng mga tao sa kalapit naming table. Nakakahiya! Naiiyak na ako sa kahihiyan.

Missing Peace | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon