Chapter 1

155 3 0
                                    

Three years ago...

November 7

"Daphnie, bumangon ka na diyan! Ang bagal bagal mo pa naman kumilos. Male-late na tayo!"

For the nth time, umungot lang ang magaling kong pinsan at nanatiling nakahilata sa kama ko habang yakap yakap ang hotdog na unan niya. Literal na mukhang hotdog. Kulay red iyon at may design pa na akala mo'y luto na.

"Paano na lang kung hindi ka nakitulog dito sa unit ko kagabi? E', di, walang nanggising sa 'yo?" Patuloy ang pagtatalak ko sa kaniya habang pinapatuyo ko ang buhok ko. "Alam mo namang first day ng second sem natin ngayon tapos nag-movie marathon ka pa kagabi!"

"Cams, you're so loud!" umuungot na sigaw niya.

I scoffed as I walked towards her na nagtalakbong pa ng blanket. Kinuha ko ang isang unan bago hinila ang blanket na nakatakip sa kaniya and when she's about to groan again, hinampas ko siya ng unan sa mukha para naman magising gising na siya. And it worked dahil napaupo siya agad at sinamaan ako ng tingin. I just shrugged at her bago ako bumalik sa ginagawa ko.

"Bakit ba kasi ang aga magsimula ng second sem natin?" panibagong ungot niya habang bumababa sa kama ko. "Hello, November pa lang! Yung ibang university nga sa december pa ang tapos ng first sem!"

"Ba't di mo itanong sa ninong mo? Siya may-ari n'on, ah?" mapang-asar na tanong ko pa.

"Ba't ganyan suot mo? Pangit, shirt lang," puna niya sa suot ko.

"Hello? Tulog ka pa ba?" Umikot ako at humarap sa kaniya habang bahagyang nakataas ang kilay. "Required na isuot ang university shirt today since first day nga, gaga."

"Shucks, oo nga! Ang boring naman ng polo shirt lang!"

"Maligo ka na nga, puro ka reklamo," utos ko na ginawa rin naman niya dahil male-late kaming dalawa kung hindi pa siya kikilos.

May sarili namang condo unit 'yang si Daphnie, katabi pa ng sa akin dahil 'yon ang gusto ng family namin pero dito siya nakitulog sa akin ngayon dahil nandoon ang kuya niya.

Pwede namang mag-share na lang kami ng condo unit ni Daphnie since magpinsan naman kami, pero mas okay na rin yung hiwalay para may peace of mind ako kahit pa halos dito na tumira ang maligalig na 'yon kapag nasa unit niya si Kuya Davis, her brother.

Napalingon ako sa bedside table ko when my phone rang. Ibinaba ko muna ang blower ko bago ako lumapit sa cellphone ko at sinagot ang tawag. It's Millison, one of my best friends.

"You're up na?"

[Yap.] She yawned. [Maliligo na ako. University shirt isusuot, 'di ba?]

Bumalik ako sa vanity table ko habang kausap si Millison. "Yeah. University shirt at pants lang. As simple as it could be."

[Okay, thanks. Maliligo na ako. See you there.]

Tinuloy ko ang pag-aayos pagkababa ng tawag ni Millison. Hindi ko na kailangan tawagan pa si Lily, my other best friend dahil nag-chat na siya kanina and said she's already up.

Sa aming apat na magbabarkada, laging sila Millison at Daphnie ang late. Pareho kasi silang may pinagpupuyatan, Netflix at libro. Into books din naman ako, pero tulog is lifer.

After almost an hour, which is the shortest, tapos na kaming mag-ayos ni Daphnie. Hinihintay ko na lang siya kumuha ng apple sa kusina ko as her breakfast. Yap, kusina ko.

"Cams, nag-breakfast ka na?" she then asked as she grabbed her bag.

I looked at her in disgust. "Seriously, Daphnie? Tulog ka pa ba?"

Missing Peace | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon