March 25
"And what are we doing here, Raiker?"
Nakakunot ang noo ko habang magkahalong naguguluhan at masayang nakatingin sa entrance ng Enchanted Kingdom sa tapat namin.
Hindi ko alam kung bakit kami nandito. Wala akong idea at all. Akala ko ay uuwi na kami. Akala ko ihahatid na niya ako sa condo unit ko since tapos na ang klase naming dalawa, pero dito niya ako dinala.
"Raiker, ano ba kasing ginagawa natin dito?" I asked again as I crossed my arms over my chest bago ako lumingon sa kaniya who's just standing beside me.
He grinned while his eyebrows were wiggling. "Date."
"What?" Tumaas ang isang kilay ko. "I can't remember we planned a date today."
"Biglaan. Pambawi, gano'n." He chuckled awkwardly at nagkamot pa ng ulo bago nag-iwas ng tingin sa akin.
Hindi man niya sabihin nang diretsyahan, alam ko ang tinutukoy niya. Bahagya pa nga akong nagulat na aware pala siya sa sarili niyang acts.
The past weeks, I felt like Raiker is slowly letting go of the grip. He suddenly became cold. But not cold cold. Just... cold.
Palagi kaming magkasama, almost every day. Sa university, sa condo ko, sa resto at sa mga kainan, and even sa café near our university and library when and where we study together. Pero magkasama nga kami physically, pero nasa kung saang lupalop ang isip niya.
Madalas salita ako nang salita at nagkwekwento tungkol sa mga bagay bagay, pero hindi pala siya nakikinig. When I asked his opinion about something, he will say nonsense things, like, malayo talaga sa topic. Or sometimes, 'yes', 'okay', at 'ikaw bahala' lang ang naririnig ko sa kaniya.
He was like that for a couple of weeks now. Hinahayaan ko lang siya, hindi ko siya kinakausap o kinokompronta at inaaway dahil wala naman akong karapatan.
Ayoko rin naman mang-away nang walang basehan. And besides, baka totoo naman na may inaasikaso lang siyang importante, gaya ng lagi niyang sinasabi sa akin.
"What are we waiting for?" He laughed. "Hindi lalapit sa atin ang rides kaya, tara na!" he screamed happily bago niya hinawakan ang kamay ko at parang batang hinila ako papasok ng Enchanted Kingdom.
Agad na sumalubong sa amin ang maingay, makulay at buhay na buhay na theme park pagkapasok naming sa loob. Maraming tao kahit weekdays. May field trip pa nga ata dahil sa mga batang nakasuot ng PE uniform na nagkalat sa paligid.
Tumigil kami sa may unahan lang, sa tapat ng fountain at carousel. Naglingon-lingon sa paligid, quietly deciding kung anong rides ang uunahin.
At syempre, ang lagi kong inuuna, "Ekstreme Tower tayo!" pasigaw na yaya ko sa kaniya habang hinihila siya at tumatakbo papunta sa ride na iyon. Sa isang iglap, parang nawala ang mga isipin ko nitong mga nakaraang linggo patungkol sa kaniya.
"What?" He chuckled. "Ekstreme Tower agad?" Hindi ko maintindihan kung ako ang tinatawanan niya o tumatawa siya to hide the fact that he's scared.
I chuckled too, tawa na may bahid ng pang-aasar bago ako lumingon sa kaniya while we kept walking. "Why? Backing out already? I didn't know na duwag ka."
He laughed with amusement. "Ako? Ako talaga? Seriously? Ang isang Raiker Lyron Clanera, takot sa Ekstreme Tower? Oh, please."
I shook my head in disbelief. "Ayan na ang bagyong Raiker. Lumalakas na ang hangin, kapit mga kababayan, baka matangay tayong lahat."
"Ikaw lang ang gusto kong tangayin, love." He smirked. "Tangayin papunta sa 'kin." Raiker even winked.
I snorted and rolled my eyes at him bago kami nagdiretso sa pila sa favorite ride ko. Wala masyadong napila dito dahil mga bata karamihan ang nasa theme park ngayon kaya nakapasok kami kaagad ni Raiker.
BINABASA MO ANG
Missing Peace | COMPLETED
RomanceThey said, to love is people's nature. You can't rule love. You can't control it. You will love and be loved whether you want it or not. It just loves love. Sometimes, love will come at the most unexpected time. At times that you're not planning to...