March 31
It's been a few days already. Five days to be exact. But it already feels like it happened a long time ago. It's been five days already since Raiker mentioned someone's name – some other girl's name while facing me.
I know he's drunk but what I didn't get is, why does he have to mention some other girl's name? Does he think of her kaya siya ang lumabas sa bibig niya while he's drunk? And who's Natacha? I don't know anyone named Natacha.
I don't even know if Raiker is aware that he mentioned someone while he's drunk and facing me since we were fine the next morning and the following days.
He probably thought that it was Natacha who's with him during that time. But she's not. Ako yung nandoon.
But I didn't argue with him about that. Lumipas lang ang mga araw na gumugulo iyon sa isip ko. Because, then, again, wala akong karapatan to ask things, to conclude and to suspect him.
"Cams, you okay?"
I was pulled out from my thoughts when Lucy lightly bumped her shoulder to mine. Nag-angat ako ng tingin at takang lumingon sa kaniya. "I'm sorry, what?"
"Okay ka lang ba? Ang tahimik mo," she asked, concern.
I, then, smiled. "Yeah, I'm fine. May iniisip lang. Thanks."
Napangiti na rin siya at napatango-tango pa. "Okay, then."
"Saan pala tayo kakain?" tanong ko para maiba ang usapan at sinundan ng tingin ang mga kasama naming na nauuna sa amin maglakad.
"Buffalo's Wings N' Things daw, G ka ba?"
"Oo naman, kahit saan basta may pagkain," tumatawang sagot ko.
She chuckled too. "Gutom na rin talaga ako, nakakagutom pala talaga mag-ojt. Buti patapos na tayo." Ilang hours lang kasi kami pwedeng mag-ojt under a specific company and matatapos na kami kaagad.
I smiled faintly. "Sana nga matapos na."
Nandito kami ngayon sa SM Calamba, naghahanap ng makakainan. Lunch break naming sa ojt namin ngayon dito lang din sa Calamba. Kakaunti lang kaming na-assign dito. Ang university kasi ang naghahanap ng papasukan namin na kumpanya for our OJT, pero pwede rin na kami ang pipili, especially kapag may family company dito.
For my case, hindi ako nag-OJT under sa mga Ellwood's property dito na pinamamahalaan ng parents ni Daphnie, hindi rin naman pwedeng pumunta pa ako ng Canada just for my OJT kaya I let the university take care of that matter, and besides, masaya naman na hindi dumepende sa pamilya mo once in a while. And here I am now, dito ako sa Calamba napunta with one of my blockmates, Lucy.
We were just talking about our jobs kanina while walking behind our mga kasama sa trabaho at papunta sa kainan when I think I saw someone familiar on my peripheral vision.
Napahinto pa ako sa paglalakad at lumingon sa paligid. Hindi ko alam kung saan ko siya napansin. Pero impossible naman na nandito siya. Anong gagawin niya rito?
"Ah, you know what, Lucy, mauna na kayo. Susunod na lang ako," I told Lucy at akmang may susundan.
"Wait," pigil niya sa akin. "Saan ka pupunta?"
"Ano... May iche-check lang ako. Susunod din ako kaagad." Nginitian ko pa siya at tinanguan para hindi siya mag-alala.
"Sige, basta sunod ka kaagad, ha. Call me if may problema, ha," saad niya. At kahit halatang ayaw niya, hinayaan niya muna akong umalis at humabol siya sa iba naming kasama.
Hinanap ng mata ko ang nakita ko kanina. Hindi ako sigurado pero hindi pwedeng magkamali ang mata ko. Hindi ako nagkakamali pagdating sa kaniya. I can spot him even meters apart.
![](https://img.wattpad.com/cover/340957416-288-k594172.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing Peace | COMPLETED
RomanceThey said, to love is people's nature. You can't rule love. You can't control it. You will love and be loved whether you want it or not. It just loves love. Sometimes, love will come at the most unexpected time. At times that you're not planning to...